TWSG : 47

35.7K 549 28
                                    

CHAPTER 47

PHAMELA

                 "PHAMS? TULALA ka r'yan?" Unti unting umangat ang tingin ko kay Zero na may hawak na camera. Bagong camera niya ito at sinusubukan niyang kumuha ng pictures doon sa mga model.

"May iniisip lang," Pilit akong ngumiti dito kaya nginiwian niya ako. "Si Skyros, iniisip ko." He shrugged before went to his CR.

Actually, nandito kami sa opisina niya at sinama niya ako para mamili ng mga gustong pumasok na FHM models. Wala talaga akong pasok pero gusto ko lang umalis sa penthouse ni Spiro. Ayoko namang mag-isa ro'n dahil parehas na silang may pasok ni Skyros.

Hindi ko alam na ganito pala maging isang ina. Na gagawin at isasakripisyo lahat para sa kaligayan ng anak niya.  Akala ko noon basta alagaan at mahalin mo lang, okay na. Pero hindi lang pala 'yon ang kaya kong gawin. Kaya ko palang isakripisyo ang sarili ko.

Hindi ko alam ang mga iyon dahil... hindi ko naman naranasan sa sarili kong ina.

"Wala ka bang lakad ngayon?" Sumulpot ulit si Zero. Ngumuso ako dahil imbes na tignan niya ang mga babaeng gustong maging FHM models ay puro siya daldal sakin.

"Meron. Magkikita kami mamaya ng kapatid ko sa starbucks." Tinignan ko ang oras sa wall clock, 30 minutes pa naman bago kami magkita ni Peach at baka late pa ang bruhang 'yon.

"What's your sister's name?" Ngumuso ako at tinignan siya. "Don't get me wrong, huh. You know, I like you." Natawa ako bigla.

"Peach Ibañez." Hindi ko na siya pinansin dahil nag-text na si Peach na nando'n na daw siya! Ang aga niya naman? "Aalis na pala ako. Nando'n na raw siya."

"Okay, ingat." Ngumisi siya sakin. Tumayo siya at humalik sakin.

Malapit lang yung Starbucks na gusto ni Peach dito sa agency kaya hindi hassle. Medyo madami nga lang tao dahil isa itong agency na magagaling humawak ng modelo.

Ang alam ko ay may ibang trabaho si Peach. Kay Nikos daw siya nagta-trabaho at minsan na lang nagmo-modelo. Good for her. Miss ko na rin siya dahil masyado kaming busy para magkita.

When I entered the Starbucks, nakita ko agad siya sa sulok at nakatingin sa phone niya. I walked towards her.

"Late ba ako?" Bungad ko. Ngumisi ako sakanya bago ako umupo sa harapan niya.

"Oo, duh." She rolled her eyeballs. "Nag-order na ako ng frappe for us," Luminga siya sa paligid. "Nasan si baby Sky?" Umiling ako.

"Nag-aaral na si Sky, Peach." Umawang ang labi niya at napatango. "Saan ka nga pala? Sinunod mo ba yung sinabi kong lumipat ka muna ng bahay at dito ka na din sa Manila?" She snorted.

"Don't worry about me, Phamela. Sarili mo ang isipin mo dahil kayang kaya ko ang sarili ko! So, kamusta ka ro'n sa ex?" I smiled sweetly.

"Maayos..." Kahit anong ngiti ko ay nawawala iyon.

"Huwag ka ngang magsinungaling! Ano ngang meron doon? Nakita ko sa TV noong isang araw na engaged na pala 'yon." Napakamot ako at tumango. "Totoo? So, maganda ba yung babae?"

"Maganda. Mukhang mabait naman siya," Tumango tango ako. "Tipo ni Spiro."

"Selos ka?" Sumimangot ako. Siraulo ba ang babaeng 'to?

"Bakit naman ako magseselos? I told you, moved on na ako noon pa. Pinakikisamahan ko lang si Spiro para sa anak namin." Humalakhak lang siya at hindi na pinansin ang palusot ko.

Dumating na rin ang order niyang frappe. I smirked when I realized na libre niya ito. Agad ding nawala ang ngiti ko nang mapansin kong hapon na at kailangan ko na ulit umuwi sa penthouse ni Spiro.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon