TWSG : 72

46.6K 606 75
                                    

CHAPTER 72

PHAMELA


       HINDI MAWALA ANG ngiti ko habang kasalo ko sila sa hapag. Si Spiro na nasa gilid ko sa bandang kaliwa at si Skyros na nasa kanan ko at namumula parin ang ilong dahil sa labis na pag-iyak. Kanina pa siya umiiyak pero sinipon pa ata siya.

"Tahan na, anak," Hinalikan ko ang ilong ni Sky. Nangilid ang luha niya kaya natawa ang tito niyang si Garret.

"Hindi ka na dapat umiiyak, Sky. Malaki ka na. Baka bukas kuya ka na ulit." Pang-aasar nito tsaka malisyosong tinignan kami ni Spiro.

Nag-init ang pisngi ko nang tumawa si Ma'am Brie at nakipag-bulungan sa asawa niyang tumatawa rin.

Mariin akong napabuntong hininga. They don't know my real plan. Si Spiro lang at ako ang nakakaalam. Maganda na rin 'yon para hindi na nila ako isipan pa ng kung ano.

It's just me, Spiro, Skyros, Ma'am Brie, Sir Dereck, Eirene, her husband, their baby, Garret, his wife, and their children. Kami lang ang nandito dahil wala ang iba.

May bakasyon pa lang magaganap dahil nabalitaan kong nag-ce-celebrate sila dahil buntis daw si Kelaya at kaya nasa mall ang parents ni Spiro kanina ay para bumili ng regalo dahil susunod daw sila sa Cebu kung nasan ang iba.

Kaso naudlot dahil nga dumating ako. Bukas pa kami susunod.

"Look at your son, Dereck. He looks excited." Mas uminit ang pisngi ko dahil sa pang-aasar ni Ma'am Brie.

Pasimple ko naman nilingon si Spiro na nakasimangot sa mama niya at parang nahihiya pa sakin! Seriously? Nahihiya pa siya after everything happened between us?

"Stop it, Ma." 

Humalakhak si Eirene at binalingan ang anak niya.

"Looks like you're going to have a new cousin!" Bumungisngis ang anak niya nang halikan niya ito sa pisngi kaya napangiti rin ako.

"Look! Phamela's smiling! She's excited, too!" Agad nawala ang ngiti ko.

"P-po?" Tinignan ko si Spiro na nakangisi na ngayon sakin, kaya inirapan ko siya agad. Asa naman siya r'yan!

Humalakhak sila kaya natahimik na lang ako kesa ako pa ang pag-tripan nila. Nilagyan ko na lang ng mga pagkain pa si Sky bago ko nilingon si Spiro na nakanguso na ngayon.

Nag-angat ako ng kilay sakanya. "Bakit?"

"I want that salmon, too," ngumuso siya lalo kaya mas nairita ako.

"Wala ka bang kamay?" Mas humaba pa lalo ang nguso niya at mukhang nalungkot siya!

Para matahimik ang lalaking 'to ay kinuhanan ko rin siya ng salmon at nilagay 'yon sa plato niya. Lumaki agad ang ngisi nila samin kaya halos magtago ako sa upuan ko.

"Thank you,"

"Sky, do you want to sleep with Mama?" Garret asked. Napatingin tuloy ako sakanya. Bakit? I mean, gusto kong makatabi ang anak ko pero...

"Opo, I want to sleep beside  Mama," Medyo nagulat ako ro'n. Englishero na pala itong anak ko? Well, ikaw ba naman puro Englishera't Englishero ang kasama sa loob ng tatlong taon, malamang magagaya siya.

"Ha? E, Sky---" Kokontra pa lang sana ako nang magsalita bigla si Spiro.

"It's okay. Let's sleep together in my room." Napakurap ako do'n. Totoo ba? Paano kung...

"Okay," tipid akong tumango.

Ano bang iniisip ko at mukhang ako pa ang sabik sakanya? Well, baka chance ko na ito at maakit ko siya! Kapag nangyari 'yon, hindi ko na siya kailangang pakasalan.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now