TWSG : 62

50.7K 736 94
                                    

CHAPTER 62

PHAMELA

        BUMUNGAD SAKIN ang puting kisame ng hospital. Hindi ko alam pero para akong nabunutan ng tinik nang mapagtanto kong nadala kami ni Eirene dito at ligtas na kami ni Serine.

"Hmm..." I looked around.

"Phamela?" Umawang ang labi ko nang makita ko ang kapatid kong namumugto ang mata. Napangiti rin ako pagkatapos dahil alam ko kung bakit siya umiiyak. Nag-alala siya samin ng anak ko.

Spiro, Eirene, Keinna, Peach, and Garret are here. Nakaupo ang mga ito sa sofa habang nasa gilid ko naman si Spiro na mukhang puyat.

"Pham? You're awake?" Tanong nito.

"Hmm?" Ngayon ko lang napansin na nakahawak siya sa kamay ko at pabalik balik ang haplos niya sa buhok ko.

"How are you feeling? Are you okay?"

"N-nasa hospital ba ako?" He slowly nodded kaya nakampante ako. Ibig sabihin ligtas na talaga kami ng anak ko.

Hihingi ako ng pabor kay Eirene na aalis na ako at isasama ko si Skyros. Alam kong kaya niya akong itakas. Hindi ko na kayang makasama si Spiro.

"Y-yes..." Tumango tango ako.

"A-ang baby ko? Si Serine?"

"Uh..." Lumikot ang mata nito kaya bahagya akong naguluhan.

"Okay lang ba siya? Sabi ni Eirene magiging okay ang lahat." Niligon ko si Eirene na parehas kay Peach na namumugto rin ang mata. Wait, actually... lahat sila.

"Pham..."

"Nasaan ang anak ko, Spiro?" Unti unting nanlamig ang buong katawan ko. Hinaplos ko agad ang t'yan ko. What? Ano 'to? Bakit parang lumiit ulit ang t'yan ko? "B-bakit parang hindi ko siya maramdaman?"

Nilingon ko si Spiro. Nag-umpisang mamula ang mata niya. Kahit ayokong aminin, alam ko kung bakit... Alam ko kung bakit sila ganyan umasta pero hindi ko kaya. Ayokong isipin!

"O-our baby..." His tears immediately fell. He wiped those harshly. Nangilid agad ang luha ko.

"No..."

"I'm sorry." Umawang ang labi ko. What?! Seryoso ba 'to?!

"A-anong sorry?! P-paanong--- hindi pwede 'to! S-serine is a strong baby! S-she's fighting for us! Ano 'to?!" They all started to cry pero hindi ko kailangan ng iyak nila! Ayokong marinig ang iyak nila! "Keinna! Keinna..."

Nag-angat ng tingin sakin ang babae. Humihikbi itong lumapit sakin. I reached for her hands.

"I-ikaw yung nagsabi noon sakin na okay lang si Celestina, 'di ba? At sasabihin mo ulit sakin yung totoo? Hindi ka magsisinungaling akin, 'di ba? Sabihin mong ligtas ulit ang anak ko!" She shook her head. Napabitaw agad ako sakanya. "A-ano?"

"W-we lost Serine." Umiling ako at natawa pa kahit hindi tumitigil ang luha ko.

"You're lying. Lahat kayo nagsisinungaling lang sakin. Ano ba?!"

"Calm down, please. You need to---" Kunot noo kong tinignan si Spiro na sinusubukan akong pakalmahin.

"Hindi pwede, Spiro! A-ang baby ko! Hindi pwedeng mangyari 'to!" Tiwala ako, e! Tiwala ako sa anak kong hindi siya aalis! Hindi niya iiwan ang mama niya! Anong kagaguhan 'to?!

"I-I'm sorry..."

"Sorry?! Hindi ko kailangan ng sorry mo! G-gusto kong sabihin mo sakin. Nandito ang baby natin! N-na nandito lang siya sa loob ko!" I cried harder when Spiro hugged me tighter.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now