EPILOGUE

96.7K 1.4K 647
                                    

as you can see, my note here is naiba na. yung unang note ko rito is bawal sumilip sa epilogue, but i changed my mind now. y'all can make silip na para makaalis na kayo agad kapag hindi niyo bet yung epilogue. i will understand if you drop this story. thank you and i'm not sorry if i didn't reach your expectations.
----

EPILOGUE
this will be the last chapter. again, thank you so much for supporting this story. thank you for always commenting and voting. thank you for saying that I should take care of my health, too. I would never get tired of saying thank you to all of you, my treasures.
---

"BAKIT BA LAGING maiinit ang ulo mo sakin? I was just asking you kung anong gusto mong flavor, Phamela. Can't you control your attitude?" Tinapunan ko ng matalim na tingin si Spiro.

"So, kasalanan ko? Kasalanan kong hindi mo 'ko narinig? Kakasabi ko lang na oreo flavor nga ang gusto ko tapos tatanungin mo 'ko ulit. Kasalanan ko bang bingi ka, ha?" His jaw tightened as he closed his eyes. Kumibot ang sintido ko sa inis dahil sa pagpikit niya. "Ah, so, naiinis ka na sakin? Ano? Nagsisisi ka na? Nagsisisi kang pinakasalan mo 'ko? Edi maghiwalay na tayo!"

Malakas ang loob kong sabihin 'yon dahil hindi niya naman pinapa-unlakan ang sinasabi kong 'yon. I know it's toxic but I just can't stop myself from saying it.

"That's not what I meant---"

"Sinungaling! Ang sabihin mo, nagsasawa ka na agad sakin! Ano?! Ilang buwan pa lang tayong kasal gusto mo na agad akong palitan?!" Nangilid agad ang luha ko. "Sinong ipapalit mo?! Si Cheska? Doon ka sa anak niya magpapaka-tatay at hindi dito?!" Sabay turo ko sa t'yan ko. "Iiwan mo ang mga ito, ha?! Go! I can raise them alone!"

"What the hell? Saan mo ba nakukuha 'yang mga sinasabi mo?" Kumunot lalo ang noo ko.

"What the hell? Ano? Ako, what the hell?! Ginaganyan mo na ako dahil sawa ka na sakin at may pamalit ka na! Iiwan mo na ako kasi ang pangit pangit ko na, ang taba ko pa!" I can't stop my tears from falling.

Marahan naman siyang lumuhod sa harapan ko at pinalis ang luha kong dumaloy na sa pisngi ko.

"Stop crying. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Nagpapadyak naman ako ulit dahil sa inis.

"So, kasalanan ko na naman? Kasi hindi ako makaintindi at maya maya bobo na 'ko." Kinagat niya ang ibabang labi niya at hindi na sumagot sakin kaya nanahimik na lang din ako.

Bumaba ang tingin niya sa t'yan kong malapit nang sumabog dahil sa sobrang laki.

Yes, I'm pregnant. Nine months pregnant with twins. Parehas daw babae ang mga ito. Hindi ko kayang i-normal delivery ito kaya bubuksan nila ay t'yan ko.

"You both are making your momma hot headed," Umiling siya at hinaplos ang t'yan ko. "Just make sure that you look like her, hmm?" Ngumuso naman ako.

Mag-sasampung buwan pa lang kaming kasal ni Spiro. Oo, sa araw din na kinasal kami ay ang araw na nabuntis ako. Great, right? Now, I can't even walk properly dahil sobrang laki ng t'yan ko.


Naalala ko noon. Zero and I tried to have a baby multiple times months ago pero hindi kami nakabuo. Samantalang kami ni Spiro... ito na agad.

Sa loob ng ilang buwan namin bilang mag-asawa, nasabi ni Spiro na he had to see his psychiatrist because he can't sleep every night kakaisip sa mga ginawa niya. Nakakatulog lang kung kung kayakap ang anak namin o kaya iinom.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon