TWSG : 70

33.1K 423 102
                                    

CHAPTER 70

R-18

PHAMELA

NAMUMUGTO ANG mga mata ko dahil iniyakan ko na naman ang anak ko kagabi. Matagal na nang huli niya akong binisita sa panaginip.

Para akong gago na naghihintay mabuntis kahit na hindi ko naman ginagawa ang bagay na 'yon. Para akong gago na naghihintay ng himala para mabuntis na.

Gusto kong... bumalik ang anak ko. I want her back. Mababaliw na ata ako.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa nang nagpakita siya sakin o dapat hindi. Ngayon kasing nakita ko na siya ulit, parang binuksan ng kung sino ang sugat kong matagal nang naghilom at binuhusan pa ng alcohol.

Bumalik ang pagkagusto kong bumalik ang anak ko.

"Where do you wanna go?" Zero asked as I hopped in in his car. I put my shades on para maitago ang namumugto kong mga mata.

"I don't know. Just drive." I said. Ginawa niya naman ang gusto ko.

Titig na titig ako sa labas dahil malalim parin ang iniisip ko. Nakakahiya lang kay Zero na humindi dahil nakapangako na ako sakanyang aalis kami.

We arrived at the park. Bumaba agad siya para pag buksan ako. I smiled because of his gentleness. He smirked back. He wrapped his arms around my waist as we walked around.

"Are you okay?" Tumango agad ako.

"Of course. Bakit naman hindi?" Mahina akong humalakhak.

"You seemed different today. What's with the shades?" I smirked. Tinignan ko ang lake sa harap namin. Umupo kami sa grass. Malinis naman 'yon, so...

"Puyat lang. Nahirapan akong matulog kagabi," I chuckled to lessen his thoughts.

"Oh." He smirked. "What do you wanna eat? I'll order." I licked my lips as I thought about something to eat. Ano bang masarap?

"I want a cold lemon juice and maybe... pasta?" I said, not sure with my words.

"All right. 'Yon lang?" I nodded.

Humiga ako sa balikat niya habang pinapanood namin ang mga taong nagbabangka sa lake. Zero played with my hair. It felt nothing. Just normal.

"Don't you miss your son? Hindi ka pa ba uuwi?" He caressed my shoulder.

"Hindi ko pa kayang umuwi." I swallowed hard. "I miss him, though. Maybe soon uuwi ako. Hindi lang talaga ngayon."

"Hmm, okay." I heard him sniffed me. He chuckled after.

"Zero!" I laughed as I hit him on the body. Lumaki lang ang ngiti niya at napunta sa labi ko ang tingin.

Katulad noon, he slowly put his face closer to mine, then we kissed. I kissed him back, and his kisses felt so good. I gripped his shirt as I kissed him more. He pulled away from our kiss after awhile.e.

I was still disoriented when he caressed my lips with his thumb.

"You're a good kisser," He commented. I blushed.

"Ewan ko sayo. N-nasan na ba yung food?" Tumatawa tawa siya at panay ang asar sakin hanggang sa dumating ang food na para samin.

We started to eat while teasing each other. Hindi ko alam pero may biglang pumasok sa isip ko. Pinalig ko lang agad ang ulo ko para nawala 'yon sa isip ko dahil ayoko nang maalala 'yon.

We watched the sunset hanggang sa mag-gabi na. We both decided to go home.

"Gusto mong mag-take out?" Tanong niya habang nagmamaneho. I chuckled as I shook my head. I'm just sipping my frappe.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now