TWSG : 45

35.1K 526 60
                                    

CHAPTER 45

PHAMELA

                  PINANOOD KO siyang unti unting kumakalma habang nakahiga sa gilid ko. Nang masiguro kong kalmado siya ay marahan akong umangat at umupo sa gilid. I still need to put some ice at my back.

"Where are you going?" He asked with his sleepy voice. "Meeting someone—"

"Maglalagay ako ng yelo sa likod ko, Spiro." Medyo inis kong sabi sakanya. Ang mabuti pa, matulog na lang siya d'yan bago ko maipalunok sakanya ang yelo.

Pumasok ako sa walk-in-closet para kumuha ng damit. Pagkalabas ko ay naabutan ko siyang naka-upo sa kama at mukhang hinihintay niya pa ang paglabas ko. Hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin.

Kumuha ako ng first aid kit at ng icepack. Nilagay ko sa pagitan ng upuan at ng likod ko ang yelo. Napangiwi pa ako dahil sumakit 'yon! Napalakas ata ang pagkakatulak niya sakin kanina.

Inangat ko rin ang hita ko para makita ang kanina pang kumikirot. Namilog ang mga mata ko nang makitang may maliit na bubog pala doon! Shit!

"Ouch..." Kinagat ko ang ibabang labi nang binuhusan ko ito ng alcohol. Agad nangilid ang luha ko sa hapdi. Using my bare hands, kinuha ko yung bubog doon.

Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luha. He hurt me physically. Pinalis ko ang mga luha na tumutulo dahil baka sipunin pa ako at mahawa ang anak ko.

Nakaramdam ako ng pagod nang matapos ako sa ginagawa ko pero kailangan ko pang walisin 'tong mga bubog dahil sa kakabato ni Spiro kanina.

Kinuha ko na agad ang walis at nag-umpisang walisin ang mga bubog na 'yon. Baka bukas ay maapakan pa ito ni Skyros. I bit my lower lip when I heard Spiro's footsteps. Kay Spiro ang mga yapak na 'yon dahil malalaki.

"Magpahinga ka na ro'n." He said.

"Umalis ka na lang," Sabi ko sakanya. "Bumalik ka na ro'n. 'Wag kang mag-alala dahil hindi ko naman itatakas paalis si Sky." Hindi siya sumagot kaya binilisan ko na lang ang pagwawalis.

Nadaan ko pa siyang nakatayo sa gilid habang paupo naman ako sa sofa para lagyan ulit ng yelo ang likod ko. Baka ito pa ang maging sakit ko pag-tanda?

Dumapa ako sa sofa bago ko inangat ang malaking shirt na suot ko para maipatong ko ang yelo sa likod ko. Kumunot ang noo ko dahil nalalaglag 'yon!

"Let me help you..." My eyes widened when I saw him walking towards me. Napaayos ako bigla ng upo kaya natigilan siya. "Pham..."

"Bumalik ka na lang sa kwarto. Kaya ko naman." Nag-iwas ako ng tingin. Bigla akong kinabahan nang maglakad ulit siya papunta sakin. Sasaktan niya kaya ulit ako?

"Phamela..." I shook my head.

"Bumalik ka na ro'n. I've been taking care of myself all my life. No need to worry." Bumagsak ang tingin niya sa icepack na hawak ko. "I get it, Spiro. I deserved to be treated like this because I took my son away from you. Naiintindihan ko naman... Katulad noon, iniintindi parin kita." Nag-unahan na namang tumulo ang mga luha ko.

Naalala ko noong mga bata pa kami. Sa t'wing nakikita ko siyang nakikipaglandian sa iba ay ginagawan ko 'yon ng excuse sa isip ko para hindi masyadong masakit.

"Pero sana naman... 'Wag mong ipakita kay Skyros ang galit mo sakin dahil ayokong makita niyang gano'n ang relasyon ng Mama at Papa niya. Ayokong nag-aaway tayo sa harap niya." Hikbi ko. Ganito rin kasi noon si Mama at Papa ko noon. Nag-aaway sa harap ko at walang pake sa nararamdaman ko. Ayokong tumulad sakin si Sky. "'Wag mong itulad si Skyros sakin, Spiro..."

"I didn't mean to show it to Sky." Tumango lang ako. "I'm sorry..."

"Ipaintindi mo sakanya bukas kung bakit mo ginawa 'yon. Magsinungaling ka kung gusto mo pero hindi kita tutulungan."

Trapped with Spiro GrayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora