TWSG : 1

59.9K 837 64
                                    

CHAPTER 1

PHAMELA

        "HUWAG NA HUWAG kang gagawa ng kabalastugan sa mansion nila Sir, ha? Mababait ang mga 'yon lalo na si Ma'am Brianna. Kung kailangan mo ng extra allowance o pang project, magbibigay ang mga 'yon. Naku! 'Wag kang kukuha ng kahit ano ro'n, ha? Pagbutihin mo rin ang pag-aaral. Time management ka."

Tamad akong tumango sa lahat ng sinasabi ng tiya ko na si tita Steph. Sabi niya ay nagtatrabaho din daw siya kila Mr. and Mrs. Rivera noong wala pa itong mga anak. At ngayon, magta-trabaho din ako doon bilang kasambahay.

"Opo, tiya. Sigurado po bang tatanggapin nila ako roon?" Napatungo ako. Underage pa kasi ako. Grade 9 pa lang so ibig sabihin ay kinse anyos pa lang ako. Pero Grade 10 na ako sa pasukan.

"Hindi ka naman ata pagta-trabahuhin ng sobra dahil bata ka pa. Tutulong tulong ka lang at tulungan mo 'yung anak nila Sir na babae. Si ma'am Eirene. Sa school lang din 'yon. Grade 9 sa pasukan kaya matutulungan mo. Matalino ka naman." Tumango ulit ako.

Maliit na bagay lang 'yon kumpara sa maitutulong ng pamilya nila sakin. Makikitira at makikikain na nga ako sakanila ay gusto pa nila akong pag-aralin. Sino ba naman ako para tumanggi?

"Madali lang po 'yon. Kukuha na lang po ako ng scholarship kung sa pribadong paaralan ako pagaaralin."

Sa malayo pa lang ay tanaw ko na ang parang palasyong bahay. Maliban sa sobrang laki nito, ay sobrang ganda rin! Namumukod-tangi sa mga medyo malapit na bahay sakanila.

Sa gilid ng mansion ay may malaking garahe kung nasaan ang tingin ko ay anim na sasakyan. Grabe. Nagagamit ba nila lahat 'yan?

"Ang ganda po dito, tiya."

Ang sabi ni tiya Steph ay madalas itong ipa-renovate dahil laging bago ang gusto ni madam Brianna. Ang swerte swerte nila. Lalo na ng mga anak nila.

"Halika na." Ngumiti ako at tumango. Sabay kaming pumasok ni tiya Steph pero nauuna siya ng konti. Halos masilaw ako sa dami ng ilaw sa kisame. Puting puti ang bahay.

May malaking ilaw sa gitna at halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang sobrang laking salas nila at ang malaking TV. Parang nanonood ng palabas sa mall!

Sa tingin ko, sobrang mahal ng bawat gamit dito sa mansion na parang kasalanan kung hahawakan ito ng katulad ko lang. Sana talaga hindi ako makabasag!

"Steph! Hi! Nakarating na pala kayo Kumain na muna kayo."

Sumalubong samin ang isang napakagandang babae. Kulay halaman ang mga mata niya at nakabihis siya ng kulay yellow na pang-itaas at skirt. May maleta rin sa gilid niya. Ang kulay brown nitong buhok ay naka-pusod.

Para siyang diwata!

"Mamaya na po, Ma'am. May lipad po kayo ngayon?" Ngumisi ang babae kaya nasilayan ko ang perpektong ngipin nito. Siya siguro ang reyna rito.

"Oo, pero uuwi rin ako. Sa Cebu lang naman kasi hindi ko bet mag-international flight ngayon." Dinungaw niya ako kaya agad nag-init ang pisngi ko.

"Ah, Ma'am. Pamangkin ko. Si Phamela Ibañes. Siya po yung sinasabi ko sainyo." Ngumiti ako dito at gano'n na lang ang tuwa ko nang makita kong ngumiti rin siya sakin. Bigla ko tuloy na-miss ang mama ko.

"Hi, Phamela. Kamusta ka? I'm Brianna Rivera." Lumapit ito sakin at nag-abot ng kamay. Natataranta akong nag-abot din ng kamay ko.

"M-maayos po." Matamis siyang ngumiti sakin.

"Don't be nervous. Mababait naman kami rito. Medyo moody nga lang ang mga anak ko, but if there's something wrong, sabihin mo agad sakin. Feel at home." Napalunok ako. Masungit pala ang mga anak ni Ma'am.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now