TWSG : 61

48K 825 546
                                    

CHAPTER 61

PHAMELA

              UNTI UNTI AKONG nagising at umaasang nasa hospital na ulit ako at ligtas. Pero pagmulat ko, nasa penthouse parin ako at naka-higa sa sahig. Is this even possible? Ang magising agad?!

Hindi ko alam kung anong oras na dahil namamanhid ang buong katawan ko. I can't even move my hands. Paano ako hihingi ng tulong nito? Isa pa, hindi nila ako binalikan dito?

Narinig kong may nagbukas bigla ng pinto. Someone is here! May tutulong na sakin!

Hindi maganda ang amoy sa paligid ko. Ang dugo sa hita ko ay tuyo na pero ang sakit ng t'yan ko ay unti unting bumabalik.

"Where are they?" Narinig ko ang boses. It's Eirene! Oh, God! Thank you so much. She will help me. Ililigtas niya ang anak ko!

"T-tulong..." Halos pabulong kong sambit.

"Huh?"

"E-eirene? T-tulong..." Nag-unahan na namang tumulo ang luha ko nang maisip ko kung gaano ako ka-hopeless kanina. Unti unti na ring sumasakit ulit ang t'yan ko.

"Ate Pham? What are you doing there?" Narinig ko ang sapatos niyang humahalik sa tiles. "What the hell?!"

"T-tulungan mo 'ko. A-ang baby ko." Naduduling na naman ako.

"B-baby?! What the fuck?! Is that why you're bleeding?!" Napapikit ako. No  Hindi ako pwedeng matulog!

Naramdaman kong umangat ako at humiga sa kung ano. Nang dumilat ako ay nakita kong nakahiga na ako sa hita niya habang naiiyak siya at kinakalikot ang phone niya.

"P-please..."

"Shit! Where's kuya ba?!" Nanginginig siya at halos hindi ako matignan. "Oh my, God. Are you okay?! What happened?!"

"S-sa fiancé niya. Tulungan mo 'ko, Eirene! B-baby ko." My Celestina... No, please.

"Shit! What should I do? 911? Kuya? Mom? Fuck!" Then she decided to call 911.

"Baby ko..."

Bumaba ang tingin ko sa t'yan ko. Hindi ko akalaing aabutan ko pa ang sarili kong nakahiga rito. Hindi nila ako binalikan para man lang icheck ako.

"Hold on, Ate Pham. Parating na yung tulong. I-I can't carry you. S-sorry. B-baby, hang in there." Hinaplos niya rin ang t'yan ko. "Serine, baby... please. Stay with tita." Kinagat ko ang labi ko dahil sa sakit.

"K-kanina pa 'ko rito, e. N-nakatulog na 'ko pero nandito parin ako." I sniffed.

"Sinong may gawa sayo nito?" Nag-angat ako ng tingin sakanya. I can clearly see the anger and rage in her eyes. She looks in pain seeing me like this.

"S-si Cheska— hindi, silang dalawa. N-nag-away kami ng fiancé niya kaya natulak ako ni Cheska." Mariin siyang napapikit habang nag-unahan na rin ang luha niya.

"Oh my God! Tangina niya!" She grabbed her phone, "Fuck you, kuya! Fuck you! What? Oh! You're asking me why? Hulaan mo! Bwiset ka!"

Gusto kong mag-react dahil sa tinawagan niya ang kuya niya para murahin lang ito. Nanlalabo na ang paningin ko.

Tiwala ako na hindi aalis ang anak ko. Tiwala rin ako na hindi ako papabayaan ni Eirene.

"Eirene, a-ang baby ko, ha..." I started to breathe heavily.

"Shit! Stay awake, Ate Pham! Magiging okay lang ang lahat. Okay lang si baby," She kissed my forehead. "Ilalayo ko kayo... Huwag kang mag-alala. Hindi ka na nila masasaktan. I won't let them."

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon