TWSG : 69

44K 677 134
                                    

CHAPTER 69

PHAMELA

                  "SINCE ALL OF YOU are almost done, can you finish that within 30 minutes?" I asked as I smiled at my students. They're 27 in my class at kanya kanya silang pagpipinta sa mga ginagawa nila.

"Yes, Miss." Ngumiti sila pabalik sakin.

They're my students while I'm their professor. Yes, I already achieved my dream as a teacher in those years. Since I'm 3rd year college when I stopped, 4th-year college na ako nang nag-aral ako dito sa France.

I took BFA or Bachelor of Fine Arts Major in Painting. And I chose to be professor as my career. Nagtuturo ako ng arts sa mga kumuha rin ng BFA katulad ko noon. I got this work that fast because I took lots of exams to have this profession.

Sa loob ng mahigit dalawang taon 
na 'yon ay pinilit kong makalimot sa lahat. In fact, I'm almost three years here in France at doon kami tumutuloy sa bahay nina Ma'am Loraine o ang bahay ng papa nila.

Sa unang buwan namin sa bansang 'to ay pinasok ko agad ang sarili ko sa university habang nagpapagamot at nakikipag kita ako sa therapist na personal na kinuha nina Ma'am Loraine. At sa mga unang buwan na 'yon, napapanaginipan ko parin ang sarili kong dinudugo.

Ang magpipinsang Rivera ay ikinasal na at may mga anak na rin ang ilan pero ni isa ro'n wala akong pinuntahan. Not because I don't want to see him, but because I don't want to remember all the pain.

Every occations, pinapapunta si Skyros dito sa France para i-celebrate 'yon. Nakuntento kami sa gano'n lalo na't ilang buwan matapos akong umalis, sumunod si Zero samin.

Sinabi ko lahat ng nangyari kay Zero at katulad noon, he still wants me. Hindi ko pinaunlakan ang pagka-gusto niyang 'yon pero may mga bagay pala talagang hindi mo mapipigilan. One day, I just saw myself kissing him. Hinalikan ko siya kahit hindi naman kami.

Sa loob ng tatlong taon na 'yon, nagkaro'n ng milyones si Peach dahil naiiba ang ganda niya as a model sa company ni Keinna. In fact, she's one of the highest paid jewelry model.

Sa loob din ng tatlong taon na 'yon, natanggap ko ang nangyari kay Serine... I think. Natanggap kong wala na talaga ang anak ko at kahit anong galit ang gawin at maramdaman ko para sakanila, hindi na no'n maibabalik ang anak ko. But I know that someday, I will meet her. Someday.

"Excuse me, Miss." May nag-taas ng kamay na agad kong nilapitan.

"Yes?" I was smiling the whole time.

"How do I do this again? The reflection of the moon?" Tinignan ko ang canvas niya. Muntik nang mawala ang ngiti ko nang makita ko ang drawing niya. 

Madilim na karagatan at sa dulo no'n ay ang buwan. Funny. Sobrang pamilyar nito sakin.

"Uh, just mix these colors," Tinuro ko ang mga kulay na kailangan at kung paano niya dapat ilagay 'yon sa canvas niya.

Nang matapos ang klase ko sa araw na 'yon ay umuwi na rin ako sa mansion. Peach is already there at nagluluto siya. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil kahit na sobrang busy namin ay nagagawa parin namin mag-sabay sa pagkain.

"Good evening," Bati ko. Nakangiti siyang lumingon sakin.

"Good evening, teacher Pham Pham." I laughed as I rolled my eyes.

"Himala at wala ang boyfriend mo?" Nag-taas ako ng kilay sakanya.

"Pupunta 'yon mamaya. Ikaw? Wala yata ang masugid mong manliligaw?" Umirap ako ulit. "I saw the pictures pala, Phamela." Umiwas ako ng tingin.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon