TWSG : 46

34.9K 557 69
                                    

CHAPTER 46

PHAMELA

                     I WAS COVERING my chest while waiting sa inutusan ni Zero na kumuha ng towel. Ayaw niya kasing siya ang lumapit sakin dahil nga hubad pa ako at tanging tubig na lang sa dagat ang nagtatakip sa katawan ko.

"Ito na!" Lumapit na yung babae sakin. "Hot momma!" Natawa ako. Binalot ko na agad ang sarili ko sa towel. "Gusto mo pa ng isang towel para sa hair?"

"Hindi na. Okay na ito." Naglakad ulit ako palapit kay Zero na tinitignan ang mga shots ko.

"Phamela, shower ka muna ro'n," May nginuso siyang maliit na bahay. "Nirentahan din 'yan." Tumango ako. Mabuti na lang at may mga extra akong damit.

"Okay. Patingin ako mamaya ng pictures, ha?" Ngisi ko. Ngumisi rin siya at tinanguan lang ako.

Mabilis lang akong naligo dahil hapon na rin at baka bigla na kaming umalis. Kinukusot ko ang buhok ko habang naglalakad papunta kay Zero. Busy siya kaya hindi na ako nagsalita.

Dinungaw ko ang pictures doon at nakita kong picture ko yung inaayos nila. Wet look at hubad talaga! Naka-point ang isang binti ko habang yakap ko ang dibdib at wala kangiti-ngiti na nakatingin sa camera. Naka-side view naman ako kaya safe.

Hindi naman kita ang pwet ko dahil maayos ang anggulo ng camera.

"Grabe, Phamela..." Sumulpot bigla si Monica na nakikitingin rin ng pictures. "Ang ganda mo! May anak ka na n'yan?" Alanganin akong ngumiti.

"Bata pa kasi ako noong nagka-anak." She slowly nodded. "Hala, tatawagan ko pa pala si Sky."

Tinakbo ko ang bag ko sa kaninang inuupuan ko para kuhanin ang phone. I dialed Spiro's number na agad namang sumagot.

["What? Anong oras ka uuwi?"] Bungad ni Spiro.

"Pauwi na kami, inaayos na lang yung mga gamit. Nasaan si Sky?" Inayos ko na rin ang bag ko dahil nakita kong nagiimpake na ang iba.

["He's playing with Asteria."] Kumunot ang noo ko.

"Naglalaro na naman? Baka umiyak 'yan mamaya habang tulog?"

"Phamela, where's the towel that you used?" Biglang sumulpot si Zero. May hawak siyang ballpen.

["What towel?"] Kumunot ang noo ko nang marinig kong nagtanong rin si Spiro sa kabilang linya. ["Phamela, what does it mean?"]

"Binalik ko na doon, Sir." Ngiti ko kay Zero.

"Oh, right. Thank you. Fix your things. Aalis tayo in 30 minutes." Tumango ako. "Anyways, are you hungry? Magpapabili ako ng pagkain." I heard Spiro's tsked.

"Uhm... Frappe na lang, Sir. Ang init kasi, kanina pa 'ko nahihilo." His eyes widened a little.

"What? Bakit hindi mo sinabi? Hindi ka na dapat namin pinagod." Tumawa ako. He's crazy. Sobrang maasikaso niya.

"Okay lang, Sir." Ngumiti ako rito.

"Okay, I'll be back. Magpapabili lang ako." I nodded. Pinanood ko siyang umalis.

["You like him now?"] Napanis ang ngiti ko nang magsalita si Spiro sa kabilang linya. Muntik ko nang makalimutan na nandito pa pala siya.

"Sino?"

["That boy named Zero."] Umangat ang kilay ko.

"Magkatrabaho nga lang kami. At isa pa, kung magugustuhan ko siya, ano naman sayo? It's not like I'm not allowed to like someone else. Single siya, single ako. Anong problema ro'n?"

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now