TWSG : 38

31.9K 573 146
                                    

CHAPTER 38

PHAMELA

   
            NANGILID ANG LUHA ko nang padarag niya akong binitawan pagkatapos niya. Kung hindi ako nakahawak sa glass nitong banyo ay mapapaupo na ako dahil sa pagod at panghihina.

Hinaplos ko ang labi kong sa tingin ko ay namamaga dahil sa marahas na halik niya kanina sakin. Nag-angat ako ng tingin sakanya, he looks happy because he released.

Tinapunan niya lang ako ng tingin at binigyan ako ng ngisi bago lumabas sa shower. Pinulupot niya ang towel sa bewang niya bago lumabas. Nakita kong sinalubong siya ni Skyros na agad naman niyang kinarga.

Pumatak ang luha ko sa inis sakanya. Pagkatapos niyang gawin 'yon sakin ay iniwan niya na lang ako basta basta rito.

Pinagpatuloy ko ang pagligo kahit nanakit ang gitna ng hita ko. It's been years mula noong huli kong naranasan 'yon. The thing between his thighs become bigger than before kaya nanakit talaga ang gitna ko.

Lumabas ako sa shower pagkatapos no'n. Naglalaro si Sky sa kama at mali naman ang pagkakabutones niya ng pang-itaas! I rolled my eyes as I knocked on Spiro's walk-in-closet door.

"M-magbibihis din ako, pabilis naman..." Lumabas naman siya ng walk-in-closet. Hubad pa ang pang-itaas niya nang lumabas. Naramdaman ko ang nanunuya niyang tingin.

Kinagat ko ang labi bago pumasok sa loob. Kumuha ako ng pants at button down blouse doon na kulay maroon. Nude color naman na spaghetti strap ang loob. Doon na din ako nagbihis at nag-suklay.

I applied lipstick on my lips para hindi ako mukhang maputla. Hinawi ko ang buhok ko paglabas ng walk-in-closet. Umupo ako sa kama at hinampas hampas ang buhok ko para matuyo.

"Sky..." Tawag ko sa anak. Lumapit naman ito agad.

"Bakit po?" Ngumuso siya. Inalis ko ang butones sa pang-itaas niya dahil mali mali ito. Mas lalo siyang ngumuso kaya napangiti ako.

"Sabi mo kaya mo na..." Halakhak ko. Sumimangot siya sa sinabi ko.

"Hindi ko lang po napansin yung iba, Mama," Nag-angat ako ng kilay sa sinabi niya. Hindi ako naniniwala pero pinili ko na lang na huwag magsalita.

"We will shop for Skyros later." Tumango lang ako at hindi na siya nilingon pa.

"Saan po tayo pupunta, Mama?" Tanong ni Sky habang inaayos ko ang buhok niya. Napangiwi ako dahil kamukhang kamukha niya si Spiro. Ngumuso ako. Sana sa susunod ay kamukha ko naman.

May susunod pa?

"Sa bahay ni Papa mo..." Kumunot ang noo nito.

"Come here, Sky," Lumapit naman si Sky kay Spiro pinagmasdan ko silang dalawa.

"Akala ko po ito bahay mo, Papa?" Ngumisi si Spiro sabay kurot sa pisngi ni Sky. Sumimangot ako dahil sa ginawa niya. Baka maglaway ang anak ko dahil sa ginawa niya!

"Like you, may Mama at Daddy din si Papa," Siya naman ang umayos sa buhok ni Sky. "Your Mom is Phamela," Tinuro ako ni Spiro. "And your Papa is me..." Napalunok ako. May nagbabadyang ngiti sakin pero pinipigilan ko.

"Opo, Papa po kita." Tuluyan ng kumawala ang ngiti ko.

"May Mama at Papa rin si Papa." Halos tumirik ang mata ko sa inis. Bakit ganyan siya magpaliwanag kay Sky? Nakakaintindi naman yung bata kahit basic explanation lang.

"Lolo at Lola..." Ngumisi ako at tinaasan ng kilay si Spiro na hindi nakatingin. See? He can understand.

"Yup... Here." Nilabas ni Spiro ang phone niya para siguro magpakita ng picture.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon