TWSG : 66

45.9K 660 112
                                    

CHAPTER 66

PHAMELA

"SIGURADO KA NA ba, Phamela? Hindi mo mami-miss si Skyros?" Sinimangutan ko si Peach. Kanina pa siya nag-tatanong.

"Saglit lang naman tayo ro'n, Peach. Isa pa, pwede namang pumunta si Skyros satin kapag may mga okasyon." Umangat ang kilay niya sakin.

"Saglit? Saglit na ba ngayon ang taon?" Umiwas ako ng tingin at ibinaling na lang sa cellphone ko. Kanina ko pa pinag-iisipan kung tatawagan ko si Spiro dahil malapit na kaming umalis. Ngayon din sana ang wedding day ni Spiro at Cheska.

"Hindi ko mababantayan nang maayos si Skyros, Peach. Hindi niya deserve magkaro'n ng nanay na katulad ko. Hindi madali sakin 'to. Hindi madali sakin na iwan si Sky dito pero wala na akong ibang choice, e. I only want what's the best for my son."

Saglit kaming natahimik bago ko siya narinig na umiyak.

"Hindi totoo yung sinabi mong mas matapang ako sayo, Phamela. Kasi kung ako yung nasa paanan mo ngayon, hindi ko kakayanin at baka magpakamatay ako. I'm so proud of you," Umiwas ako ng tingin sakanya dahil ayoko nang umiyak.

"Tatawagan ko muna si Spiro," Paalam ko.

Pumunta ako sa veranda at doon ko tinawagan si Spiro. Ang sabi sakin ni Eirene, madalas wala na rin sa sarili si Spiro at puro inom na lang ang ginagawa. Kung hindi umiinom, nasa orphanages at nakikipag-laro sa mga bata ro'n o kaya binibilhan niya ng mga kung anong laruan at pagkain.

He's healing himself, too.

["Hello?"] Inaantok pa ang boses nito at mukhang hindi tinignan kung sino ang tumawag.

"Spiro," Napapaos kong saad.

["P-phamela?!"] Biglang nabuhayan ang tinig nito. ["Is this really happening? Y-You're calling me?"] Tumungo ako.

"Pwede ba tayong magkita? N-ngayon na?"

["Sure! Of course, Phamela. Where do you want? Do you want me to pick you up? Uh, do you want us to eat? I-I can make a reservation."] Hindi ko alam pero nangilid ang luha ko dahil sa pagkataranta niya.

"Ah, h-hindi na. May sasabihin lang kasi ako. Pwede tayong magkita sa may park malapit sa bahay namin. T-tungkol 'to kay Sky..." Narinig ko pa sa kabilang linya ang pag-aayos niya ata.

["Sure, sure. Pupunta na 'ko ngayon,"] Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"Okay," Pinatay ko na agad ang tawag para pumunta na rin ako doon.

Nakasalubong ko pa si Peach. "Peach, makikipag-kita muna ako kay Spiro, ha? Ikaw na muna ang sumundo kay Sky."

"Ha? Uhm, okay! Isasama ko na rin si Sky kasi magkikita kami ni Nikos." Kumunot ang noo ko at nilingon siya.

"Magkikita kayo? Okay na kayo?" Tipid lang siyang ngumiti kaya naisip kong mukhang hindi pa siya handa na sabihin sakin ang tungkol do'n. "Okay, aalis na ako."

Sumakay ako ng taxi at nagpa-hatid doon sa park kung saan nag-tanong sakin si Skyros tungkol kay Spiro at kung saan tanaw na tanaw din ang billboard ni Spiro. Feeling ko nga nando'n na si Spiro dahil medyo traffic. Hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko siya agad na nakaupo do'n at mukhang hindi mapalagay.

Hindi siya mukhang miserable dahil ang gwapo niya paring tignan. He's wearing a black plain shirt and fitted maong pants. Lumipat rin ang tingin ko sa bouquet na hawak niya.

Funny. Lagi niya akong binibigyan ng bulaklak samantalang noong kami pa ay hindi niya ako nabigyan nito.

"Phamela..." Marahan lang akong naglakad papalapit sakanya. "Thank God, you called me for meet up!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bigla niya akong mabilis na niyakap. "F-flowers." Inabot niya 'yon sakin na kinuha ko naman.

Trapped with Spiro GrayHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin