TWSG : 37

32.2K 515 74
                                    

CHAPTER 37

PHAMELA

            WALA AKONG IBANG ginawa kung hindi titigan sila buong magdamag. Skyros wants to sleep beside his father for the first time and hindi naman tumanggi si Spiro. Mahigpit ang yakap ni Skyros kay Spiro na para bang takot na pag-gising nito ay wala na ang ama niya.

I touched his hand. Maliit ito kaya sobrang cute. Parang lumolobo ang puso ko dahil kahit tulog na si Skyros ay may bakas parin ng ngiti ang labi niya. Umangat ako para halikan siya.

Kahit anong higa ko sa kama ni Spiro ay hindi ako makatulog. Sa huli ay tumayo ako at lumabas ng kwarto kesa magising ko sila dahil sa likot ko.

Pumunta ako sa veranda at tinanaw ang mga ilaw sa gabi. Hindi na ata ako makakatulog buong gabi. Hindi ko rin naman alam kung anong gagawin namin bukas. I mean, kung aalis ba kami o hindi.

Hinawi ko ang buhok kong humaharang sa mukha ko. Siguro dapat bumili ako ng sleeping pills para makatulog naman ako.

"I thought you left." Napatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod ko. Nang tignan ko 'yon ay nabungaran ko si Spiro na magulo ang buhok, naka white shirt at back pajama.

"N-nagpapahangin lang... Hindi kasi ako makatulog." Lumapit siya kaya umusog ako palayo. Pinagmasdan niya ang city kaya doon ko na rin nilipat ang tingin ko.

"I can't believe you did that to me." Tinanaw ko si Spiro.

I can't believe you're doing this to me, either.

Kinabahan ako dahil mukhang galit na naman siya. Tumungo ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin bukod sa 'sorry' Napangiwi rin ako dahil mukhang bubuksan niya na naman ang ganitong topic. "Of all people, ikaw pa ang gagawa sakin nito."

"Natakot lang ako... Ang iniisip ko lang noon ay baka masira ko kayo kaya lumayo ako." Binaling niya ang marahas na tingin niya sakin.

"May nangyari ba sa takot mo? Wala. You only caused pain." Nangilid ang luha ko. "We lost our luck when you left. The house isn't the same the day you left. You caused too much pain and your reason is... Natakot ka lang?" Sarcastic siyang ngumisi.

"Spiro, alam mo naman kung saan ako galing na pamilya. Halos parehas lang ang mangyayari samin ni Sky kung umamin ako noon. Gagaya ka kay Papa, gagaya si Sky sakin—"

"That's bullshit. Do you think I can resist our baby? Hindi kami parehas ng mindset ng tatay mo. Hindi kami parehas ng buhay para bumagsak ako!" Wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak ulit. "Is that really your reason, huh? O baka gusto mo lang makasama ang Nikos na 'yon? Why? Cuz he's better than me?"

"Spiro, hindi. Ikaw lang ang mahal ko noon." Iling ko agad. Natigilan siya sa sinabi ko saglit bago nakabawi.

"Your reason is so stupid. Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo naisip ang mga posibilidad katulad nito bago mo ginawa 'yon?" Bumagsak ang tingin ko sa mga paa ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. "I thought you're brainy, Phamela... Kung ganito ka rin pala walang ka-kwentang mag-isip, sana hindi ka na namin pinag-aral."

Nanginig ang labi ko. Kung hindi nila ako tinanggap noon, hindi kami magkakakilala at wala akong anak ngayon.

"B-bata pa ako no'n kaya—" He laughed sarcastically. Nakakapangliit ang mga tingin niya sakin. Malayong malayo sa mga tingin niya noon na nagpapataas ng self confidence ko.

"Right. You were so young that time. Horny and... I don't know. Mali na pinatulan kita. I can't even remember why I liked you back then when you know nothing, but to read books and study," Naging mas masagana pa ang luha ko dahil sa sinabi niya. "Maybe because you're pretty and virgin." Umawang ang labi ko at nag-angat ng tingin sakanya.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now