TWSG : 55

37.9K 595 55
                                    

CHAPTER 55

PHAMELA

"WELCOME HOME!" Napangiti ako nang makitang malaki ang ngiti ni Ma'am Brie sakin pagpasok ko sa mansion. Sinalubong niya agad ako. Hinalikan niya ang pisngi ko sabay haplos sa t'yan ko. "Masikip ba r'yan, baby? Pasensya ka na at sexy kasi ang mommy mo." Natawa ako.

"Baka next week daw po pwede nang malaman ang gender ng baby." Singit ni Peach kaya bumaling ang tingin sakanya ni Ma'am Brie.

"You are Phamela's sister, right?" Nahihiyang tumango ang kapatid ko. "Walang duda dahil maganda ka rin. Bagay kayo ni Kyle." Ngumuso ako. Mas bata si Kyle sa kapatid ko.

"Ah, hehe..." Awkward na tawa ng kapatid ko.

"Thank you for taking care of them," Hindi ko maiwasang tumingin sa mga mata ni Ma'am Brie dahil sobrang ganda talaga nito. "Saan ka nakatira ngayon, hija? You can stay here if you want." Agad na umiling si Peach.

"Nako, hindi po. Doon na lang po ako samin... Salamat po." Nilapitan ako ni Eirlys. Siya naman ang humaplos sa t'yan ko.

"Mabigat ba siya?" Tanong niya. "Doon ka na lang kaya sa dati mong kwarto para mabilis kang makakalibot sa bahay using your wheelchair?" Napangiti ako.

"Oo, ayos lang sakin." Na-miss ko na rin ang kwarto ko noon.

"May name na ba?" Singit ni Eirene.

"Wala pa. Hindi pa kasi alam ang gender." Tumikhim si Spiro pero hindi na ako nag-abalang tignan siya.

"I'm pretty sure it's a boy," Eirene rolled her eyes.

"I think it's a girl. Ang ganda ni Ate Phamela, e." Ngumuso ako. Umismid naman si Spiro.

"Bakit? Maganda rin naman siya noong si Skyros ang pinagbubuntis niya." Sabat pa ulit ni Spiro na parang ready makipag-suntukan para lang mapatunayan na lalaki ang anak namin na nasa loob ko.

"So, ano ngang name kung boy or girl?" Napatingin ako kay Ma'am Brie at nakita kong pasimple rin siyang nag-iisip.

"If the baby is a boy, I want to name him after mine." Mayabang na sabi ni Spiro na hindi ko nagustuhan. Ang kapal naman niya kung gano'n. Sakanya na naman isusunod ang pangalan?

"Ayoko. Nakasunod na nga ang pangalan ni Skyros sayo pati ba naman itong baby sa loob ko isusunod mo pa sayo?" Umirap ako. "Gusto ko... Zadkiel kung lalaki." Spiro raised his brow. What?

"Why Zadkiel?" Ngumuso ako at tumungo para makita ang t'yan.

"Pangalan 'yon ng anghel kaya masarap pakinggan," Sagot ko. Naalala ko noon, sinasabi nila na ako raw ang angel ng family na 'to kaya gusto kong isunod ang pangalan ng magiging baby ko sa pangalan ng mga anghel.

"Tss. Zadkiel? Starts with the letter 'Z'? for what? Zero? Siya ba ang tatay niyan?" Umawang ang labi ko sa biglaang sinabi ni Spiro.

"Kuya!" Saway ni Eirene.

"My God, Spiro! Stop it!" Nag-walk out si Ma'am Brie.

"What? I was just asking," He laughed behind me.

"Bakit mo sinabi 'yon?" Gigil na tanong ni Eirene.

Bigla akong nainsulto. Bakit niya kailangang sabihin na baka si Zero ang tatay ng anak ko? Tingin niya ba talaga kaya kong gawin 'yon sa ibang lalaki? Nakakainsulto ang punyetang 'to! Kung ayaw niya sa anak ko, hindi ko naman siya pipilitin!

"Sana nga si Zero na lang yung ama," Natigil ito sa mahinang pag-tawa. Snow bit her lower lip hard. Kusa itong gumalaw at pumunta sa likod.

"Ihahatid ko na si Ate Phamela sa room niya. Ate Peach, let's go..." Tinulak nila ang wheelchair papunta sa dati kong kwarto. Hindi ko na nilingon pa si Spiro pero narinig kong pinapagalitan siya ni Eirene.

Trapped with Spiro GrayTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang