TWSG : 13

31K 538 48
                                    

CHAPTER 13

PHAMELA

           HINDI KO ALAM kung saan siya kumuha ng lakas at kakapalan ng mukha nang sinabi niyang hubarin ko ang suot ko. Basta napilit ko siyang doon muna kami sa maliwanag na may silong dahil gusto kong i-check 'yon kaya... Nandito kami ngayon.

"Anong ginawa mo dyan?" Tanong ko dahil nakita kong may kinakalkal siya sa cellphone niya at sinusubukan niyang i-connect 'yon sa bluetooth speaker na dala niya rin.

"Trying to connect this..." Umismid ako bago ko nilingon ang magandang dagat. Hindi sobrang dilim no'n dahil sa liwanag ng buwan.

"Can I have this dance?" Napatalon ako sa gulat nang magsalita si Spiro sa likod ko. Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ha? Magsasayaw? Wala namang tugtog. Ayokong sumayaw nang walang tugtog, 'no!" Agad na agap ko. Hindi ko pa nasusubukang sumayaw ng walang tugtog sa buong buhay ko, 'no! "Tsaka, hindi ko naman 18th—"

[ Binibini — by Zack Tabudlo ]

Binibini,
Alam mo ba kung pa'no nahulog sa 'yo?
Naramdaman lang bigla ng puso
Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito
Kaya sabihin mo sa akin

Nanlaki mata ko nang tumugtog bigla ang bluetooth speaker na kanina pa niyang kinakalikot.

"Well... Let's dance, birthday girl." Hindi maalis ang ngisi niya nang inabot ko ang kamay ko sakanya. "Put your hands on my shoulder..." I licked my lower lip and obeyed him.

Ang tumatakbo sa isip mo
Kung mahal mo na rin ba ako

"This is so corny, Spiro." Mas lumaki ang ngisi niya nang banggitin ko ang pangalan niya. Napangiti rin ako.

"It felt good when you're saying my name." Bumaba ang mga kamay niya sa bewang ko. Wala sa sarili akong napangiti lalo.

Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan, mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sa 'yo
Alam kong mahal mo na rin ako

Mas lalo akong natulala sa huling words ng lyrics. Hindi kasi maalis ang tingin niya sakin na para bang... Para bang sinasabi niya 'yon sakin kahit hindi! May crush ba siya sakin?

"Hug me?" Umangat ang kilay ko.

"Ha?"

"I know you need hug." Hinila niya ako palapit sakanya. Wala na akong ibang nagawa kung hindi yumakap na lang sakanya dahil niyakap niya na ako!

Binibini,
Sabi mo noon sa 'kin, ayaw mo pa
Pero ang yakap ngayo'y kakaiba
Hindi ka ba nalilito? Totoo na bang gusto ko?
'Wag nang lalabanan ang puso

Napabitaw ako sakanya. The lyrics! Nag-angat lang siya ng kilay at tunawa.

Alam kong mahal mo na 'ko
Kung gano'n, halika na't huwag lumayo

"Come here," Pagkatapos ay sinubsob niya ulit ako sa dibdib niya. "Are you cold?"

"Uhm..."

Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan, mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sa 'yo
Alam kong mahal mo na rin ako

"Hmm?"

"Bitaw na..." Bumitaw naman siya sakin. Inayos niya ang nagulo kong buhok.

"Take off your clothes if you're going to swim." Kumunot ang noo ko at mas napalayo sakanya.

"B-bakit ko naman huhubarin ang suot ko? Akala ko ba may extra kang damit?" Napasimangot ako pero hindi siya nag-react. "Hoy?"

"I'll take of my shirt so..." Mas lalo akong sumimangot. "Just do it, Phamela. Nakakapag-two piece ka nga sa bahay kung saan nando'n kami tapos dito ayaw mo? It's just you and me." Umirap siya at walang pasabing naghubad ng shirt.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now