TWSG : 40

35.2K 536 256
                                    

CHAPTER 40

PHAMELA

"I DON'T KNOW, love... I asked Tita Brianna if she wants to go shopping with me, but she's busy daw. Same with your sisters." Pasimple kong tinignan ang fiancé ni Spiro habang nilalapag ko ang mga plato nila.

"Yeah. Mom is busy traveling with Dad. Eirene is going to Palawan this week and Eirlys will go to France with Keinna." Napatango naman ang fiancé nito at pinanood ang ginagawa kong pagsisilbi sakanila. "Try with Ellis."

Natigilan ako. Hindi ko pa ulit nakikita si Ellis dahil busy daw ito.

"She doesn't like me..." Ngumuso ako. "Anyways, kailan ulit yung engagement party natin, love?" Natigilan ako. May engagement party pa sila? Malalaman na ng buong mundo ang pagpapakasal ni Spiro?

"Next month, Cheska..."

"Where are we going to stay? Can we stay in Cagayan de Oro? Maganda raw do'n. Doon na lang tayo magpatayo ng house." Kumunot ang noo ko. Hindi pwede 'yon...

"You know we can't, Cheska. Nakagawian na namin na sa subdivision kami pagpapagawa ng bahay para sa magiging pamilya namin." Bumagsak ang tingin ko sa lapag.

I smiled bitterly.

Naalala ko noon...

"Spiro, your family doesn't like me. I don't know why. Ginawa ko lahat para makipag-close sakanila, but seems like they like someone for you. I don't want to live with them. Can we just stay abroad?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ayokong umasa sa mga iniisip kong baka kaya ayaw nila sa babaeng 'to dahil hinihintay nila akong bumalik kay Spiro. Gusto kong humalakhak pero magmumukha lang akong tanga.

"You need to adjust, Cheska." Natahimik ang babae. Tumikhim naman ako dahil tapos na ang ginagawa ko.

"Coldwater po ba?" Spiro nodded. Saglit pang nagtagal ang tingin nito sakin. I licked my lower lip at halos lumundag ang puso ko nang makitang sinundan niya 'yon ng tingin.

"Coldwater, please..." Nilingon ako ng babae at ngumiti. "You're very pretty. I didn't get a chance to know your name... What's your name, missy?"

"Phamela, po." Tumango tango siya.

"Hm. Pretty name." Ngumiti ako rito. "But, not pretty as mine," I smirked.

"Syempre naman po, Ma'am." Ngumisi ulit ako rito.

Mas maganda nga ang pangalan mo at nasa iyo ang lalaking mahal ko pero hindi natin maaalis ang katotohanang una siyang naging akin. He was mine. He used to be mine pero ngayong ganyan na ang ugali niya ay pwede mo na 'yang isaksak sa baga mo.

Kinuhanan ko sila ng tubig.

"Don't you have a boyfriend, Phamela?" She asked sweetly.

"Manliligaw lang po, Ma'am." Totoo 'yon. May nangliligaw sakin, college classmate ko noon pero graduate na siya. Tumigil siya nang nalaman niyang may anak ako pero bumalik ulit pero hindi ko na pinaunlakan.

"Oh... You're very pretty pero tingin ko ay hindi ka pa nagkaka-boyfriend." Ngumiti ako rito.

"Nagkaroon ho. Noong high school."

"Oh! So, nahalikan ka na pala." Mahinhin akong tumawa.

"More than that, Ma'am." Umawang ang labi niya at hilaw na ngumiti. Hindi ko alam kung tama ba ang sinagot ko rito.

"Is your first boyfriend is your first kiss?" Nakangisi siya.

Sincere akong ngumiti nang maalala ko 'yon.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now