TWSG : 29

29.3K 571 41
                                    

CHAPTER 29

PHAMELA

             "AND WHY ARE YOU touching her tummy?!" Nanlaki ang mata ko nang matulala si Nikos sakanya. Unti unting lumipat ang tingin ng lalaki sakin at parang alam niya na kung sino si Spiro sa buhay ko.

"Spiro, binigyan niya lang ako ng pagkain..." Tinignan naman niya ang pagkain sa table.

"Food for you, huh?" Tumango ako. "So, how about these?" Tinaas niya ang dala niyang KFC. Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Pinapapili niya ba ako?

"Akala ko busy ka? Kaya kay Nikos ako nagpabili." Mas sumimangot siya.

"Bakit sakanya? My sister and cousins are here!" Umirap ako at naupo na ulit sa harap ng salamin. "And I tried to call you para malaman ang gusto mong pagkain." Tinawag ko si Pat para ayusin ulit ang buhok ko. "And one more thing, wala akong sinabing busy ako!" Gigil niyang sabi.

Umawang ang labi ko. Ginagago ba ako nito? Nag-text siya sakin!

"Anong wala?! Meron! Tignan mo ang phone mo!" Sumimangot siya at kinapa ang bulsa.

"I left my phone at nowhere. Just take this—"

"May pagkain na ako. Kainin mo na lang 'yan." Kumunot ang noo niya. Hinarap ko si Nikos at ngumiti sakanya. "Salamat sa pagkain, Nikos..."

"No problem, Pham. Just text me if you need something..." Tumango ako. Matalim niya pang tinignan si Spiro bago umalis.

"Ito ang kainin mo." Mariing sabi ni Spiro at kinuha ang tapsilog ko. Hinabol ko 'yon ng tingin dahil 'yon ang gusto ko!

"Ayoko n'yan!" Umiling siya at nilayo ang pagkain sakin. "Amina yung tapsilog! Ayoko ng KFC!" I gritted my teeth. Mas nilayo niya pa sakin yung pagkain kaya napatayo ako.

"'Yan nga ang kainin mo at 'wag ito!" Gigil ko siyang tinulak sabay hablot ko sa tapsilog. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Umalis ka na nga! Kung sana sinabi mo na bibilhan mo 'ko edi sana hindi na ako nagpabili kay Nikos! Kakain na ako!" Inabot ko ang KFC sakanya at tinulak ko na siya palabas.

"Hey! No need to push me!" Nakasimangot siya.

"Shut up! Umalis ka na. Gutom na ako!"

"Wait! One more thing, bakit niya hinahawakan ang—" Sinarado ko na ang pinto ng backstage.

Mabilis akong kumain. Busog na busog ako! Feeling ko mabuti na ulit ang pakiramdam ko. Sinabi rin ni Pat na hindi na ako maputla.

"Girls! Line up!" Halos mabilaukan ako pero nagmamadali parin akong tumayo at nakipila sakanila.

Sabay sabay kaming pumunta sa stage. Naghiyawan ang lahat. Ngumuso ako habang pinagmamasdan ang suot ng iba. Magaganda rin pero may tiwala naman ako sa taste ni Pat at ni Ma'am Loraine.

Nagkatinginan kami ni Spiro na nasa likod ng mga parents niya. Nagtaas siya ng kilay sakin habang pinagmamasdan ako.

"Our ladies are so stunning!" Sabi ng emcee. Ngumuso ako. Marami pa siyang sinasabi sinabi hanggang sa at maya maya ay may hawak na siyang bilog na babasagin. May anim na papel doon and I assume, those are the questions for us.

Naiihi ako! Tinignan ko ang nasa harapan na sumasagot. Ni hindi ko namalayan na may sumasagot na pala dahil sa sobrang busy ko dahil naiihi ako!

"Miss Phamela, please move forward." Sambit ng emcee. Marahan akong naglakad doon. "How are you feeling?" Ngiti sakin bago tinapat sakin ang mic.

"I'm feeling, uh, well... Good." Ngumuso ako. Ano namang isasagot ko sa tanong niya?

"I could see that. You're so beautiful." Ngumisi ako.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now