TWSG : 65

46.9K 621 140
                                    

CHAPTER 65

PHAMELA

               NAKATUNGANGA ako sa mga letrang 'yon. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Ang mga letrang 'yon at ang pamilya ni Spiro na nandito ngayon sa harap namin ang patunay na ginagawa niya talaga ito.

Para saan? Inutusan ba siya? Nakokonsensya siya kaya idadaan niya ako sa walang kwentang bagay na 'to? Hindi ko na nakikita ang sarili kong ikakasal kahit na kanino simula nang mawala ang anak ko.

"Spiro, ano 'to?" Inalis ko ang kamay ko sakanya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya pa kailangang hawakan ang kamay ko.

"Pham..."

"Anong ibig sabihin nito?" Tinignan ko sina Ma'am Brie na mukhang hindi rin masaya.

May alam sila? Hinayaan nilang magsayang ng pera ang anak nila kahit na alam nila ang isasagot ko? Akala ba nila madadaan nila ako sa ganito? Akala ba nila mahal ko pa ang lalaking 'to pagkatapos mawala ng anak ko?

"I know... I know masyadong mabilis ang lahat." Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinalikan 'yon. Iniwas ko ulit ang palad ko sakanya.

"A-ano..."

May nilabas itong maliit na box at binuksan niya 'yon. Bumungad sakin ang magandang singsing na may dyamante sa gitna.

"I've been a bad guy to you. I've been a jerk. I hurt you so much. We lost our second baby and it's my fault. I know I'm not deserving, but I love you so much. I really love you, Pham. I'm sorry for everything that I did. If I can turn back time, I will treat you better. I will take care of you and I will show you how much I love you."

Nagtangis ang ngipin ko sa sinabi niya. "Nagpapatawa ka ba? Anong kalokohan 'to?" At anong sabi niya? Mahal niya ako? Mahal niya ako pero nagawa niya akong saktan nang gano'n at tiisin? Anong klaseng pagmamahal 'yan?

Tangina. Hindi pagmamahal ang meron siya para sakin kung hindi kabaliwan at obession! At kung totoo mang merong pagmamahal d'yan sa loob niya, nahigitan na 'yon ng katangahan niya.

"I'm so sorry. I regretted it, Pham. Hindi ko ginustong mawala ang anak natin. I'm willing to accept any consequences just to have you. Punish me all you want but please... Please, Pham. Marry me. I'll make it up to you---" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil kusang lumipad ang kamay ko sa pisngi niya.

Wala akong narinig sa pamilya niya. Walang pumigil sakin at tahimik lang silang nanonood habang ang lalaking nasa harap ko ay nakatungo na.

"Ang kapal ng mukha mo. Ang kapal ng mukha mong lumuhod sa harapan ko at sabihing papakasalan mo ako. Ang kapal mo. Tingin mo ba ganito lang kadali? Na kapag inaya mo 'ko ng kasal matatapos na? Mapapatawad na kita? We made our own choice at choice mong lokohin ang fiancé mo at hayaan siyang gawin sakin 'yon! Alam mong buntis ako pero wala kang ginawa para sakin! Napaka-kapal ng mukha mong yayain ako ng kasal gayong huli na ang lahat!"

I already lost all my interests. Kahit sa pagpipinta at ang kagustuhan kong magturo ay wala na. I can't even love myself properly dahil sinisisi ko rin ang sarili ko. Si Skyros na lang ang pinagkukunan ko ng lakas ngayon.

"Pham..."

"Hinding hindi ako magpapakasal sa demonyong katulad mo!" Nangilid ang luha ko sa labis na iritasyon sa kanya.

"Phamela," Tinalikuran ko na siya at handa na akong umalis pero hinabol niya agad ako. "Pham, please!"

"Shut up!" Tumalikod ulit ako pero agad niya akong hinablot ulit pabalik. "Ano ba?!"

Namilog ang mata ko nang bigla siyang lumuhod sa harap ko habang hawak niya ang mga kamay ko! "Give me a chance. Please, Pham. One more chance, please. I'll make things right. Babawi ako. Parang awa mo na..." Naluluha ang mga mata niya.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now