TWSG : 43

32.9K 557 68
                                    

CHAPTER 43

PHAMELA

              DUMATING 'YUNG araw ng engagement party nina Spiro at Cheska. Sa magarbong garden's daw gaganapin at kasama ang buong pamilya nilang dalawa. Sasama rin ako dahil 'yon ang gusto ni Spiro.

"Mama, ano po yung engagement party?" Tanong ni Skyros habang binibihisan ko siya.

"Para 'yon sa mga taong ikakasal, anak." Hinawi ko ang buhok niya. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya sa sinagot ko.

"Ibig sabihin po ikakasal si Papa pati tita Cheska? Kasi sila yung may engagement party?" Hilaw akong ngumiti sa anak at tumango. "Bakit po sila ikakasal? Bakit sakanya po ikakasal si Papa? Hindi naman po siya Mama ko?"

"E, baby, hindi naman lahat ng Mama at Papa ay nagpapakasal. Katulad namin ni Papa mo. Iba yung papakasalan niya at hindi si Mama 'yon." Mas kumunot ang noo niya.

"Bakit naman po? Pwede po ba 'yon?" Tipid akong tumango.

"Oo, Skyros. Papakasalan ni Papa mo si tita Cheska mo dahil mahal niya 'to. Yung pagpapakasal kasi ay para lang sa dalawang taong nagmamahalan." Tumango tango naman siya na parang naiintindihan yung sinabi ko.

"Ibig sabihin po, hindi kayo nagmamahalan ni Papa kaya hindi kayo yung magpapakasal?" I slowly nodded.

"Yes, Sky..." Pagkatapos kong ayusin ang buhok niya ay bumalik na siya agad sa paglalaro.

Pinanood ko siya dahil wala naman na akong ibang gagawin kung hindi hintayin namin si Spiro na akala mo babae dahil sa kupad kumilos.

My son is so innocent. Wala siyang kaalam alam sa idea ng pagmamahal kaya hindi niya ininda ang mga sinagot ko. Bigla kong naisip yung fiancé ni Spiro, magiging mabait kaya siya kay Skyros?

Pero paano kung magkaka-anak si Spiro pati ang Cheska na 'yon? Baka maramdaman ni Skyros na iba siya? Kaya hindi. Hindi ko hahayaang kunin nila si Skyros sakin. Hindi ko hahayaang maramdaman niya yung naramdaman ko noon.

"Papa!" Umangat ang tingin ko kay Spiro na naka-bihis na.

"Let's go?" Tumango agad si Skyros sakanya at nagmamadaling pumunta kay Spiro. Humalakhak naman yung isa na para bang nakakatawa ang ginawang pagtakbo ni Skyros.

I was wearing a black backless dress. 

Gamit ang sasakyan ni Spiro ay pumunta kaming Garden's. 

"Bakit pala hindi mo sinundo ang fiancee mo?" Tanong ko kay Spiro habang nagpa-park siya.

"She's with her family." Marahan akong tumango.

Ang totoo nyan, gusto ko siyang kausapin tungkol sa magiging future nila ng fiancee niya. Madami akong gustong hilingin about kay Skyros. Gustong hilingin na huwag niyang mamahalin ang magiging anak niya kay Cheska ng higit sa pagmamahal niya kay Skyros. Gusto ko ring hilingin na sakin parin sana si Skyros kapag gano'n. 

"Uhm, okay..." Halos mabilaukan ako dahil ang dami ko pa talagang gustong sabihin. "I'll take Sky with me. Nandyan ba si Ellis?"

"Yup. Nandyan silang lahat." Hinaplos ko ang labi ko habang bumababa sa sasakyan.

"Let's go, Skyros." Hindi ko kasi pwedeng isabay si Spiro samin dahil sigurado akong sila ni Cheska ang magsasabay.

Tumatawa tawa si Skyros habang papasok kaming dalawa. Mukhang excited siya dahil nakikita niya na ang mga pinsan niya.

Malayo pa lang ay kita ko na si Keinna at ang kanyang daughter na nakamasid. Parang nakahinga ako ng kaonti nang ngumiti siya sakin.

"Aster, accompany your cousin to your Lola's and Lolo's." Utos nito sa anak. "Dito ka, ate Phamela." Nginuso ni Keinna ang upuan sa tabi.

Trapped with Spiro GrayOù les histoires vivent. Découvrez maintenant