TWSG : 49

35.7K 630 69
                                    

CHAPTER 49

PHAMELA

            "FOR EVERYTHING. Treating you bad... Doing 'it' even you don't want to. There's no enough reason to treat you like that even the reason or the fact that you took Skyros away from me. I forgot that... You are Phamela. The mother of my son and the first girl I fell in love with."

Hindi ko alam pero bigla akong natawa kahit na kumikirot ang dibdib ko. Bakit niya sinasabi 'to? Bakit?

"Huwag kang magsinungaling ng ganito sakin, Spiro," Mariin kong bigkas.

"What do you mean? I'm not lying." Umiling ako at tumayo dala ang pinggan ko. Hindi ko na kayang kumain kaharap ang sinungaling na 'yon. "Phamela,"

Nilagpasan ko siya. Nilagay ko ang plato ko sa lababo at nag-umpisang hugasan 'yon. Nakasunod naman agad siya dala ang mga iba pang plato.

"Phamela, what do you mean that I'm lying?" Umiling ako. Ayoko nang pag-usapan dahil baka mag-away na naman kami.

"Wala. Matulog ka na ro'n." Napapaos kong sabi. Bumigat ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko yung sinabi niya.

I forgot that... You are Phamela. The mother of my son and the first girl I fell in love with.

Sinungaling.

Namuo ang luha ko pero pilit kong pinipigilang tumulo 'yon dahil nasa gilid ko lang siya. Pero yung pinipigilan kong iyak ay biglang kumawala nang yakapin niya ako mula sa likod.

I closed my eyes.

"I'm sorry..." He whispered.

Inipon ko ang natitira kong lakas at sinama ko na rin ang galit ko nitong mga nakaraang buwan. I pushed him away. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa ginawa ko pero wala akong pake.

"Sinungaling ka," Mariin kong banggit.

"What?" Seems like he doesn't know what I am saying. "Phamela," He tried to reach for my hands.

"Kung minahal mo talaga ako noon, bakit mo 'ko niloko? Bakit ka nambababae? Bakit mo 'ko pinagmumukhang tanga? Bakit mo 'ko sinasaktan?" Hindi siya nagsalita. "Kahit ngayon, alam kong ikakasal ka na. Alam kong siya ang mahal mo pero kahit konting respeto hindi mo naibigay sakin."

"I said, I'm sorry." Kumunot ang noo niya.

"Bakit? Sa isang sorry mo lang tingin mo ayos lang ang lahat? Spiro, ilang buwan na ba akong nandito sa puder mo? Apat? Magli-limang buwan? Ngayon ka lang magsasalita ng ganyan? Bakit?" He avoided my eyes.

"I just realized some things..."

"May narealized ka ba talaga? O naramdaman mong konting konti na lang, susuko at aalis na 'ko?" Nag-angat siya ng tingin sakin. Nakita kong may gulat sa mga mata niya.

"Bakit ka aalis? Saan ka pupunta kung gano'n? Kay Zero? Huh?" He stepped forward. Hindi ako humakbang paatras dahil pagod na pagod na akong takasan siya.

"I like him, Spiro." Pag-amin ko. He stilled. Natigil siya sa paglapit sakin at natulala.

"W-what?" I licked my lips.

"I like Zero. He's treating me better." Umiwas ako ng tingin. "Kaya sana... 'Wag ka nang magsasalita tungkol sa pagmamahal mo sakin noon. 'Wag mo na akong paasahin."

"Pham, you can't—"

"Bakit naman hindi? It's been 7 years mula nang huli akong magmahal. This is the right time since... Ikakasal ka naman na."

Kusang bumaba ang tingin ko sa pulso niya. Napakurap ko nang makitang wala na doon ang tattoo niya. Tinignan ko ang kabila para makita kung nandoon at baka nagkamali lang ako pero wala talaga.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now