TWSG : 71

47.1K 664 177
                                    

CHAPTER 71

PHAMELA

                I WILL ASK SPIRO to have sex with me? Is that it? Kaya ko ba? Papayag ba ako? Papayag ba siya? At... gagawin ko ba? Gano'n na ba ako ka-desperada ngayon? Tangina. Oo, Phamela.

Ilang araw kong pinag-isipan ang sinabing 'yon ni Zero. Kahit sa school ay naiisip ko 'yon. Humihingi rin ako ng update kay Eirene tungkol kay Spiro. I want to know his routines.

He's... helping children in orphanages. Dinadala niya ro'n ang anak namin. Sabi rin ni Eirene ay mahilig nang magpa-feeding si Spiro sa street children and I find it good. I mean, sinong hindi? Looks like he's a good father figure to Skyros now.

Patapos na ang school year at kailangan ko nang mag-desisyon para makapag-paalam ako sa university na pinapasukan ko.

Zero and I are still going out to have a date. Medyo nagtatampo ako dahil sa sinabi niyang gawin ko 'yon kay Spiro. Nasasaktan ako dahil mukhang pinapamigay niya ako. I love Zero, yes. Pero hindi ko priority ang pagmamahal ko sakanya.

One week after the end of school year, I decided to go home.

My daughter visited me in my dream. Asking to go home. Going home means... bringing her back. 'Yon ang gagawin ko. I will... ask Spiro to help me. We can try IVF.

I sighed as I closed the zipper of my luggage.

"Hindi mo naman kailangan sumama sakin pabalik, Peach. Alam kong nandito na ang buhay mo. Hindi mo naman ako kailangan samahan sa bawat oras." Sabi ko habang hindi ako nakatingin sakanya.

Nakapag-desisyon na ako. Iiwan ko ang buhay ko dito at babalik ako sa Pilipinas.

May mga gabing iniisip ko kung bakit nangyari ito sakin. Saamin.

Hindi ko nasubaybayan ang paglaki ni Spiro dahil malaki na siya nang tumira ako sakanila. But his actions resembles him. He's spoiled. Spoiled by his mother, father, and grandparents. Siguro dahil nahiwalay siya sa mga ito noong bata pa kaya sobrang na-spoiled. Sa sobrang spoiled niya, nakalimutan niya nang tanggapin ang pagkakamali niya.

Hindi niya pa matatanggap kung walang mawawala samin.

Noong gabing aalis ako dahil buntis ako kay Skyros, and when he tried to stop me, I could feel his sincerity. Umasa akong siguro kaya niyang magbago pero siguro nga ang hirap lang magtiwala dahil sa mga nakita kong ginagawa niya noon.

Nang sumulpot ako sa trabaho niya, I can see the happiness in his eyes when he sees me after seven years. Hindi siya nagkimkim ng galit sakin dahil sa pag-alis ko.

Nagalit lang ulit siya dahil nga tinago ko si Skyros sakanila. At katulad nga ng sinabi ko, hindi niya makitang may pagkakamali rin siya. Kung hindi naman siya nagloloko noon, tingin niya ba itatago ko ang anak namin?

Alam kong nasaktan ko siya sa ginawa kong 'yon. At gusto niyang gumanti sakin. Gusto niyang gumanti sakin dahil nasaktan ko siya kaya... sinaktan niya rin ako. Gano'n naman siguro ang mga tao. Kapag nasasaktan, gusto ring manakit pabalik.

Pero... hindi maganda ang bagay na 'yon. Hindi kailanman naging maganda ang pag-ganti. Ngayon, saan kami dinala ng tadhana?

But is it a valid reason to disrespect me that much? Na kung tratuhin niya ako noon ay parang wala lang sakanya ang naging relasyon namin dati?

Expected ko naman na na masasaktan ako pero siguro nga... lumagpas na siya sa limitasyon niya noon.

Napaisip ako. Talaga bang babalik ako? Papayag kaya si Spiro sa gusto ko? Kung papayag siya... pauuwiin ko si Zero at kami ang magsasama. Kaming apat nina Serine at Skyros. Spiro and I can co-parent. Isn't that great?

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now