TWSG : 60

46.3K 654 130
                                    

CHAPTER 60

PHAMELA

        TATLONG ARAW mula nang mangyari 'yon samin ni Spiro. I distanced myself from him at lagi akong umaarte na masama ang pakiramdam para hindi niya maisip na gawin ulit namin 'yon. Although, hindi naman natuloy.

Actually, hindi ko na kailangan laging umarte dahil may mga oras talagang natutulala ako dahil masyadong maraming pumapasok sa isip ko. Tulad ni Skyros, paano kung hindi ko na kayang tiisin ito? Paano kapag gusto ko nang umalis? Maiintindihan niya kaya?

I caressed my tummy. My daughter is growing inside me so fast. 

May mga iniisip din ako tulad noong nangyayari ngayon sa mga kapatid ni Spiro.

Eirene is brokenhearted at sinasabing baka buntis ito pero hindi pa sure. Spiro went to Palawan to fetch Eirene dahil may kinupkop daw itong lalaki na walang maalala. Now, Eirene is back and broken. Paano nga kung buntis siya?

One more thing, Snow will get married soon at gusto ni Sir Dereck na ito ang mauna kesa kay Spiro. Arrange or fix marriage lang dahil takot si Sir Dereck na masaktan rin si Eirlys kapag nagkamali ito ng lalaking pinili.

Ang alam ko, second cousin ng pinsan nung fiancé ni Cheska ang mapapangasawa ni Eirlys.

So, there's a possibility na baka hindi matuloy ang kasal nina Spiro dahil sukob daw. But knowing Riveras, hindi sila masyadong naniniwala sa mga pamahiin na 'yan.

Pumasok si Skyros ulit kaya kaming tatlo na naman dito sa penthouse. Oo, tatlo na naman dahil nandito ang fiancee ni Spiro at naglalandian silang dalawa sa kwarto namin. Nilulunok ko na lang kesa kimkimin ko pa. Isa pa, pinaalam ni Keinna si Skyros na doon matutulog sakanila para malibang ang anak niya.

Nasa kusina ako nang sumulpot bigla si Spiro. Sumimangot siya dahil nakita niya na naman akong palaboy. Sinadya ko talagang lumabas dahil may ipapa-alam talaga ako sakanya.

"Spiro..." Tawag ko sakanya habang nagsasalin siya ng tubig sa baso. Hindi ko mapigilang hindi pansinin ang itsura niya. Naka-pants lang siya at walang pang-itaas.

"What?"

"Magpapaalam sana ako," Umangat ang kilay niya.

"About?"

"Uhm, aalis na sana muna ako." Bumilis ang tibok ng puso ko nang sinabi ko 'yon. Natatakot ako sa sasabihin niya!

He smirked. "And where are you going?" Kalmado niyang tanong kaya medyo nagkaro'n ako ng pag-asa na papayagan niya ako. I need to unwind for my daughter. Hindi healthy para sakanya ang mga problema ko dito.

"Uuwi na muna sa bahay namin. Ah, baka kasi hindi healthy kay baby kung mananatili ako rito."

"Okay." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Pumapayag ka?" Totoo ba?! Ano namang nakain nito? Bakit pumayag siya bigla? Well, salamat na rin! Gustong gusto ko nang umalis dito, 'no!

"Yeah." Malapad akong napangiti at halos lundagin ko siya para mayakap ko.

"S-salamat! Uhm, pwede mong sunduin lagi si Skyros galing school para—" Pumiksi siya at humalukipkip sa harap ko.

"What are you talking about?"

Napanis ang ngiti ko. "Ha?"

"Hindi mo isasama si Sky." Napakurap ako. Agad nawala ang kasiyahan ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko siya maintindihan! Akala ko ba pumayag na siya?!

"Spiro, hindi pwedeng hindi ko isasama si Skyros—"

"Kung gusto mong umalis, go ahead. Hindi mo isasama si Skyros." Umiling ako. Ayoko. Mami-miss ko ang anak ko kapag hindi ko siya nakasama. Ayoko.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon