TWSG : 74

41.2K 574 61
                                    

CHAPTER 74

PHAMELA

             "WHAT ARE YOU talking about?!" Galit na sigaw ni Spiro at halos malukot niya na rin ang ultrasound picture ni Cheska. Galit na galit siya habang ako ay hindi makakilos.

Sinasabi ba ng babaeng 'to na si Spiro ang ama ng batang dinadala niya? Pero parang sobrang imposible no'n.

"Hindi mo ba maintindihan? I said I'm pregnant and you're gonna be a father again!" ngumisi ang babae. "Spiro, magkaka-anak na rin tayo," she smirked at me. "And I suggest you stop your wedding for our baby."

Hindi makapaniwalang tumawa ako.

"'Wag mong gamitin ang anak mo para lang itigil namin ang kasal—" she laughed sarcastically. Inis na inis ako sa tawa niya pero pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko.

"Why would I do that? Nagsasabi ako ng totoo, Phamela. I'm pregnant and Spiro's gonna be a dad," Tinignan nito si Spiro na tulala sa tabi ko. "I can take a pregnancy test in front of you if you want." Mariin akong napalunok.

It's true. She's pregnant.

"I'm not the father of that kid, Cheska," hinarap ako nito at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Nangungusap ang mga mata niyang nakatingin sakin. "H-hindi ako ang ama no'n, Phamela."

Nag-ngitngit naman sa galit yung isa.

"How dare you say that to our baby! This is our flesh and blood, Spiro! 'Wag kang bias!" Mariin akong tinignan nito. "I accepted your son years ago, Phamela. You must accept our baby, too!" namilog ang mata ko.

Gusto kong maniwala kay Spiro dahil kilala ko siya. Pero dahil kilala ko siya ay masasabi kong kaya niya ring gawin 'yon pero pinanghahawakan ko parin ang sinabi niyang hindi niya kailanman hinawakan ang ibang babae.

"Spiro... n-nagkikita parin kayo?" tanong ko rito.

He shook his head immediately.

"No! Phamela, believe me, hindi ako ang ama ng batang 'yan!"

"E, bakit buntis ang babaeng 'yan?" humalukipkip si Cheska at hinayaan kaming mag-usap.

"I don't know! I told you, I never touch that girl! Kahit kailan, Phamela, kahit noon!" Si Cheska naman ang binalingan ko ng tingin.

"Kung hindi mo 'ko ginalaw, bakit buntis ako ngayon? Spiro, 'wag kang magsinungaling sa fiancé mo. Admit it. We fucked each other while she was away," humigpit ang hawak sakin ni Spiro.

"Phamela, don't believe her. She's lying, please. Ngayon pa ba ako magsisinungaling? I can't do that to you!" Gigil namang lumapit yung isa ay hinawi si Spiro palapit sakanya.

"Bakit ba hindi mo matanggap?! I'm pregnant, Spiro! We're having a baby! Admit it!" naiyak na ito sa inis. "Hindi mo tanggapin ang baby natin, ha?! You're insane!" tinulak niya ang dibdib ni Spiro na bahagya kong kinainis.

Hinablot ko ang braso nito. Kung hindi lang buntis ang babaeng 'to ay talagang sasaktan ko siya. Alam kong malaki ang atraso niya sakin noon pero hindi ko kayang gawin sakanya o kahit kanino ang ginawa niya sakin!

"Paano ka nakasisiguro na kay Spiro nga 'yang baby mo?" napapaos kong tanong. "B-baka naman may iba ka pang nakasama maliban sakanya? Tatlong taon na kayong wala—"

"So, porket wala na kami ay hindi na namin magagawang mag-sex? Binilang ko, Phamela. Si Spiro ang naka-sex ko noong linggong 'yon. Why can't you accept it, huh? Masakit, 'di ba? That's what I felt when I realized that you were fucking my fiancé while you were acting like his freaking maid!"

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now