TWSG : 30

34K 601 161
                                    

CHAPTER 30

PHAMELA

                 ["WHERE ARE YOU?"] Mariin kong kinagat ang ibabang labi habang naglalakad palabas ng mansion. Naghihintay sa labas ng bahay sakin si Nikos dahil magpapa-check up daw kami.

"Palabas na." Binaba ko ang tawag at mas lalong nagmadali. Umaga ngayon at hindi ko alam kung gising na ba ang lahat dahil weekends na.

Isang linggo na ang lumipas simula noong naging Ms. Campus ako. Isang linggo ko na rin iniiwasan si Spiro. Alam kong nararamdaman niya 'yon pero wala naman siyang ibang ginawa kung hindi dalhin ang Alexa na 'yon.

"Where are you going?"

"Ay bobo!" Napatalon ako nang biglang magsalita si Spiro sa likod ko. Tinignan ko siya at nakita kong naka-pajama pa siya.

"Saan ka pupunta?"

"Ang aga mo atang nagising?" I gulped.

"I'm asking where are you going?" Tinignan niya pa ang suot ko.

"Hospital..." Kumunot ang noo niya at tinignan ako. Totoo naman sa hospital kami!

"Why? Are you sick?" Nilapitan niya ako at nilapat niya ang kamay niya sa noo ko. Para akong napapasong umatras palayo sakanya. "Bakit?"

"Hindi ako yung magpapa-check up. Nagpapasama lang sakin si Nikos." His jaw tightened.

"Bakit sayo? May kapatid naman siya." Nag-kibit balikat ako. "Hindi ka sasama sakanya." Marahan akong tumawa at napailing. Anong gusto niyang gawin ko? Magkulong dito?

"Sino ka para sabihin 'yan?" Kumunot ang noo niya sa sinagot ko. "Bakit hindi mo pagbawalan yung Alexa mo? Tutal, mukhang kayo naman na." Hindi ko na naitago ang bitterness ko.

"Anong kami? Hindi kami—"

"Talaga? Paano mo maipapaliwanag sakin yung ginawa niyo sa shower room ng girls noong Ms. Campus?" Umakyat agad ang luha ko at nakakainis 'yon!

"Y-you saw us?"

"Sinungaling ka." Tinalikuran ko na siya pero nahablot niya agad ako pabalik. Bahagya akong kinabahan dahil do'n. "Ano ba?!"

"She seduced me!" Umawang ang labi ko.

"Sigurado ka? Hindi ba tumatanggi siya dahil naghihintay ang buong pamilya niyo? Pero anong sinabi mo? Na susunod na lang kayo. How can you explain that?" Natahimik siya at hindi nakapag-salita.

"I'm sorry." I shook my head, disappointed.

"Mag-hiwalay na tayo." Umangat ang tingin siya sakin at parang galit pa dahil sa sinabi ko.

"No. Hindi ako papayag." I arched my brow.

"Hindi ko kailangan ng permiso mo. Para sakin, hiwalay na tayo." Mabilis ko siyang tinakasan, but he's chasing me!

"Phamela!"

"Ewan ko sayo!" Dumiretsyo ako sa sasakyang dala ni Nikos. I locked the door immediately before he tried to open it!

"Lumabas ka r'yan!" Sigaw nito sa labas at galit na galit. "Hoy! Ilabas mo siya!" Utos nito kay Nikos.

"No, Nikos! Umalis na tayo!" Agad namang pinaharurot ni Nikos ang sasakyan.

"Anong nangyari?" Tanong niya. Umiling lang ako. "Come on, Phamela. I know he's the father." Mabilis na lumipat ang tingin ko sakanya. "It's obvious. Masyado ka niyang binabakuran. He's 22 right? Or 21? Bakit hindi pa 'yon bumukod?"

"Ayoko siyang pag-usapan. Nakipag-hiwalay ako." Tinignan ko ang bintana at tinanaw ang labas. "Saang hospital pala tayo?"

"Sa tito ko. I'll make your informations private." Ngumiti ako at tumango.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now