TWSG : 53

37.9K 649 111
                                    

CHAPTER 53

PHAMELA

               TAKOT AKONG GUMISING dahil baka sampalin ako ng reyalidad na baka wala na ang anak ko. Ngayon pa lang nasasaktan na ako. Iniisip ko pa lang na gano'n ang nangyari sa anak ko ay gusto ko na agad ilibing si Spiro.

Pero ang takot ko unti unting nawala nang marinig kong may mga nagtatawanan sa paligid ko. Unti unti akong nag-mulat. Nakita ko agad si Eirlys na nasa gilid ko at nagbabalat ng orange.

Inilibot ko pa ang paningin ko. Nagulat ako dahil madaming tao dito sa kwarto. Eirlys, Eirene, Keinna, Ellis, Garret, at nandito rin ang kapatid ko na katabi ni Skyros. Mukhang wala si Spiro. Mabuti naman.

"Phamela?" Nalipat ang tingin nila sakin nang magsalita si Ellis. Halos madapa ang ilan nang sinubukang lumapit sakin.

"Shit! She's awake!"

"Call Kuya!"

"No! Call Mommy!"

"Anong nararamdaman mo? Nahihilo ka ba?"

"May gusto ka bang kainin? Naglilihi ka na ba? May masakit ba sayo?"

Sunod sunod ang tanong nila pero lumipat ang tingin ko sa anak kong hindi makasingit dahil sa mga Tito at Tita niya. I smiled weakly.

"Sky..." Inangat ko ang kamay para lumapit siya sakin. Pinadaan naman siya agad.

"Ma! Bakit dito ka po natulog? Ano po 'to?" Kinarga siya ni Garret para ipatong sa kama ko. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko.

Bago ko malaman ang nangyari sa isa kong anak, gusto kong nasa tabi ko muna si Skyros para kahit papaano ay mabuhayan ako ng loob. Wala naman sa plano ko ang mabaliw.

"Kumain ka na?" Tanong ko sa anak. Masigla siyang tumango. Hinaplos ko ang pisngi niya.

"Bakit nandito po tayo, Mama? Dito na po tayo titira?" Marahan akong umiling. Lahat sila naghihintay sakin na magtanong.

Mas lalong gusto kong umiyak dahil sa tinanong ni Skyros. Ang surprise ko sakanya, posibleng wala na. I gulped as I look at them. Snow and Eirene are talking with someone on their phones.

"K-kamusta? Anong nangyari sa... Sa anak ko?" Halos pumiyok ang boses ko nang itanong ko 'yon. Marahang lumapit si Keinna sa gilid ko kung nasaan si Snow kanina.

"Ate Phamela..."

She was about to say something nang biglang bumukas ang pinto. Niluwa no'n ang taong ayaw kong makita. Ang taong dahilan kung bakit nangyari ito sa anak ko. Sa likod nito ay ang mga parents nila. Ma'am Brie and Sir Dereck.

Napangiti ang ilan nang makitang gising ako pero hindi ko magawang ngumiti pabalik. I looked at Keinna, hinawakan ko ang kamay niya.

"Ano na yung sasabihin mo? Anong nangyari sa baby ko?" Hinawakan niya rin ang kamay ko ay binigyan ako ng magandang ngiti.

"The baby is safe."

Kusang tumulo ang luha ko sa narinig. Hindi ko ring mapigilang ngumiti dahil sa sinabi niya. I immediately wiped my tears as I touched my tummy. I hugged myself.

Oh my, God. Thank you so much. My baby is fighting.

"S-salamat..." I tried to wipe my tears pero ayaw tumigil nito dahil sa sobrang saya ko. Nagulat ako nang biglang humikbi si Skyros na naka-upo sa kama ko.

"Mama... Bakit ka po umiiyak? May masakit po ba?" Nangilid ang luha nito kaya hindi ko mapigilang lalong ngumiti.

"Masaya si Mama, Sky..." Gumapang siya at yumakap sakin. I bit my lip harder when he hugged me.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now