TWSG : 12

30.3K 558 20
                                    

CHAPTER 12

PHAMELA

          "HOW OLD ARE YOU again, Phamela?" Biglang sumulpot si Sir Diego noong araw ng birthday ko. Kakagising ko lang at siya na agad ang bumungad sakin. Hapon na ako nagising dahil napasarap nang sobra ang tulog ko.

"Sixteen po." Medyo wala pa ako sa sarili dahil kakagising ko lang at kakalabas sa kwarto.

"Happy birthday. Don't get pregnant yet." Pagkatapos at tinap niya ang ulo ko bago nag-walkout.

Huh? Bakit about sa pagbubuntis ang lagi nilang pinapaalala sakin? Mukha ba akong magbubuntis nang maaga? Gusto ko muna maging teacher, 'no!

"Phamela! Good morning! Happy birthday!" Biglang sumulpot si Logan habang papunta ako sa kusina.

"Good morning din. Thank you." Ngumisi ako bago ko siya nilagpasan. Bakit kaya nandito 'yon?

"Ate Phamela!" Biglang sumulpot si Ciarra. "Hindi ka pa naliligo?"

"Huh? Hindi pa. Kakagising ko pa lang, e. Nauuhaw kasi ako." Tinignan ko ang suot niyang parang pupunta sa birthday. "San punta? Ganda ng buhok mo, ah?" Ngumisi ako at hinaplos ang buhok niya.

"You didn't know?" Kunot noo niyang tanong.

"Ang alin?"

"There's a party for you! Actually, we are waiting na nga, e." Tinignan ko ang suot kong pj's.

"Shet! Hindi pa ako nakakaligo!" Sinubukan kong sumulyap sa living room. Totoo nga! Medyo maingay na kasi do'n kaya siguro magsisimula na sila!

"Go! Take a bath!" Sigaw ni Ciarra kaya napatakbo ako nang wala sa oras sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung anong klaseng ligo ang ginawa ko dahil madaling madali ako sa lahat kahit sa paglabas ko ng kwarto ay madaling madali ako!

"Happy birthday, Phamela!" Biglang lumapit si Ma'am Brie kasama si Eirene na may hawak pang cake. Nag-init ang pisngi ko sa hiya.

"Happy birthday!" Bati ng iba at ngiting ngiti sakin. Eirene hugged me at nilapit ako doon sa cake.

"Make a wish!" Sambit niya at parang tuwang tuwa sa cake. "'Wag mong iparinig samin, ha? Baka hindi matupad 'yung wish mo, hehe."

I nodded as I closed my eyes.

A happy and healthy life will do. I have nothing to wish.

Hinipan ko na 'yung candle kasabay ng pagpalakpak ng iba. Nag-init ang pisngi ko sa hiya. Hindi ko alam na hahandaan pala nila ang birthday ko.

"Gifts niyo!" Sigaw ni Ma'am Brie kaya nagsilapitan na ang ilan sakin. "This is my gift for you, hija." May nilabas siyang shades. "This is from Hawaii! Do you like it?" Tinignan ko ang magandang shades na binigay niya.

"Thank you so much po," Yumakap ako sakanya saglit.

"This is my gift, Phamela." May inabot si Sir Dereck na isang paper bag na isang sikat na bilihan ng damit.

"Hala, thank you po."

Madami pang nagbigay. Halos lahat sila may regalo maliban lang Spiro. May nagbigay ng damit, relo, bracelet, earrings, at kung ano ano pa. Kay Ma'am Loraine ang pinakamahal, syempre.

"Happy happy birthday, Pham pham." Ngumisi sakin si Ma'am Loraine habang sinusuot ang regalo niyang relo sakin na punong puno ng diamonds!

"Ang ganda po. Thank you!" Yumakap siya sakin habang nagniningning ang mga mata niya.

"He's so lucky..." Kumunot ang noo ko.

"Po? Ano pong ibig niyong sabihin? Sinong lucky?" Ngumisi lang siya bago nag-walkout. Kumakain na ang lahat habang tulala parin ako.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon