TWSG : 10

33.4K 651 27
                                    

CHAPTER 10

PHAMELA

            TULALA AKO HABANG nasa kotse kami papunta sa bar. Halos hindi ko maproseso sa utak ko ang mga nangyari kanina. Basta ang alam ko, halos mahalikan niya na ang leeg ko.

Bigla akong nainis. Hindi lang sakanya kung hindi sakin na rin. Nakakainis siya. Anong karapatan niyang gawin 'yon? Noong isang gabi niya ako minamanyak. Anong bang problema niya? Hindi porket gwapo siya ay magpapahalik ako ng gano'n gano'n lang. Hindi ako ganong klaseng babae!

"Ate Phamela? Bakit nakasimangot ka?" Nawala ang kunot ng noo ko nang napansin ako ni Keinna.

"Wala. Naalala ko lang yung lamok na kumagat sakin kanina. Nakakainis, e." Umirap ako. Van ang sasakyan namin para hindi kami mapadpad sa kung saan saan mamaya.

Si Spiro, Garret, Ellis, Logan, Ryder, Kelaya, Keinna, Klaus, Eirene at ako ang nakasama. Ang iba ay hindi talaga pwede kaya may sarili silang party sa bahay.

"Grabe namang lamok 'yan, Phamela! Inis na inis ka ata sa lamok?" Sambit ni Garret sa harapan.

"Masakit ba ang kagat, Phamela?" Tanong ni Ellis habang nakataas ang kilay niya sakin. Ano bang problema nito? Laging mainit ang ulo sa lahat.

"Oo, e."

May kanya kanya silang topic hanggang sa makarating kami sa bar. Exclusive para samin lang ito kaya safe talaga kami. Ako ang naunang bumaba dahil ako ang malapit sa pinto.

"I'm so excited!" Tili ni Kelaya habang nakayakap kay Eirene.

"Ako din!" Nakataas ang kay ni Ellis sakanila kaya ginulo ni Garret ang buhok niya.

"Bawasan mo 'yang kamalditahan mo, Ellis. Hindi na ako natutuwa." Pabulong lang 'yon pero narinig ko.

"Yes, kuya." Bored na sagot ni Ellis. "I'll be good." Humalukipkip ito at pinagmasdan ang buong bar.

"Girls, light lang ang iinumin niyo." Paalala ni Spiro.

"Yes, Kuya!" Sigaw ng girls maliban sakin. "We're freaking excited!" Humagikgik pa sila.

"You can do what you want, hindi lang pwede ang uminom kayo ng hard na liquor." Paalala pa nito.

"Yes! Let's go inside na!" Sambit ni Eirene bago lumapit sakin na para bang nagpapalambing. Spiro shook his head bago binuksan ang pinto para makapasok kami.

Pagkapasok ko pa lang ay binging bingi at hilong hilo na ako. Napansin 'yon ni Logan kaya pinaiba niya ang ilaw at pinahinaan ang sound.

"So cold!" Reklamo ni Kelaya.

Naupo ako sa sofa at ganon din ang girls. Bakit ba sila nakasunod sakin? Umorder si Ellis ng chips habang umorder naman ng liquors ang boys.

"This is so fun!" Tumayo na si Kelaya at nag-request ng song. Tumayo na ang girls at pumunta sa stage. While Ellis and I stayed.

"Bakit hindi ka sumunod sakanila?" Tanong niya sa mas kalmadong boses.

"Feeling ko hindi ako makakasayaw do'n nang hindi nakakainom." Sambit ko. "Mamaya na siguro." Ngumisi ako. Tumango siya at kumuha na ng chips.

"Girls, come here!" Utos ni Klaus kasi nagsibalikan sila dito.

"Vodka soda for girls. Konti lang alcohol percentage kaya bagay 'yan sainyo. Papalitan 'yan after five shots." I bit my lower lip nang ilapag nila 'yon sa harap namin.

"No chaser?" Keinna asked. Umiling ang boys bago naglapag si Ryder ng madaming sliced lemon sa harap namin.

"Lemons will do." Ngisi nito. Unang tumungga si Ellis sa baso niya at sumunod ako. Hindi naman siya gano'n katapang para sakin.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now