TWSG : 22

30.6K 484 21
                                    

CHAPTER 22

PHAMELA
 

              MASAMA ANG TINGIN ko kay Miss Kaila kinabukasan nang subject niya na. Nakangiti ito buong oras niya na nagtuturo habang wala naman akong ibang ginawa kung hindi patayin siya gamit ang mga mata ko sa inis.

"You may now pick your group mate." Nakangiti parin ito pero hindi nagtatama ang paningin namin hindi katulad noon na halos nasa akin ang mga mata niya.

Dalawang tao ang magtutulungan para gumawa ng research na ipapasa namin bukas. Hinayaan niya kami na ang mamili sa kasama namin pero hindi 'yon pabor sakin dahil wala naman akong kaibigan dito.

"Nikos, partner tayo!" Tumama ang tingin ko sa kaklase kong babae na hinarangan si Nikos na papunta sa direksyon ko.

"I'm sorry, Fatima, but si Phamela ang gusto kong ka-partner." Natigilan ako. Oo nga pala! Classmates kami! Hindi ko siya napansin kanina dahil masama ang gising ko.

"Oh... Okay..." Pinasadahan pa ako ng tingin ni Fatima bago siya umalis.

Lumapit naman sakin si Nikos. Tinapik niya ang balikat ng lalaking katabi ko. Umangat naman ang tingin sakanya nito. Nang mapagtanto niya na si Nikos ito ay napatayo agad siya at inilahad ang upuan.

"Sige, d'yan ka na lang mula ngayon." Sambit ng lalaki bago siya umupo sa upuan ni Nikos na medyo malayo sakin.

"Hey, bad mood?" Bungad niya. Umiling lang ako at ngumisi. "Red days?"

"Hindi, Nikos... Anyways, salamat nga pala sa pagpili. I don't have friends kasi..." Tumawa siya at humilig sa upuan niya.

"I want to be friends with you, Phamela." Ngumuso ako at pinaglaruan na lang ang ballpen. "By the way, bakit parang galit na galit si Rivera kagabi? Bawal ka bang umuwi nang gano'ng oras? You should have told me para maaga kitang inuwi."

"Okay lang naman. Nagpalaam naman ako kay Ma'am Brie kaya hindi ko alam kung bakit gano'n maka-react si Spiro na para bang ang laki ng kasalanang ginawa ko sakanya." Humalukipkip ako at binalikan ng tingin si Miss Kaila na nakatingin rin sakin.

Naramdaman niya siguro ang talim ng tingin ko kaya hindi na niya ako nagawang tignan pa ulit. Tinignan niya ang libro na dala niya at binigyan kami ng tig-iisang lesson kada grupo.

"M-miss Phamela and Mister Nikos, the page 212 topic is yours." Nag-tangka pa itong tumingin sakin kaya kanda duling duling siya sa pagbabasa ng libro.

"So, paano itong atin?" Hindi matanggal ang ngisi sa mukha ni Nikos kaya napapangisi rin ako dahil good vibes ang pagmumukha niya.

"Pwede tayo sa bahay mamaya after class." Hindi ko kasi pwedeng paghintayin sina Spiro at Garret.

"Great. Sasabay ka sakin?" Umiling ako. Hindi pwede dahil baka magwala na si Spiro kapag ginawa ko ulit 'yon. Kagabi kasi ay sinamantala ko ang pagkakatahimik niya bago pumasok sa loob ng bahay.

"Baka magalit sina Garret kapag hindi ako sumabay sakanila..." Ngumuso siya. "Hindi ka naman siguro maliligaw, ano? Bibigay ko sayo ang address at hihintayin kita sa labas."

"Sure. Or I'll just follow your car." Tumango ako rito.

Nang matapos ang oras ni Miss Kaila ay hudyat na nang Lunch namin. Ayaw ko na sana bumaba dahil makikita ko lang si Spiro do'n pero baka siya pa mismo ang umakyat dito.

"Kakain ako kasama sina Spiro." Sambit ko habang sabay kaming bumababa ni Nikos.

"I know." Humalakhak siya kaya pinamulahan ako. "Kasabay ko rin kakain ang mga kaibigan ko." Hindi ko na siya sinagot pa. Nag-hagdan ako pababa.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now