TWSG : 36

33.4K 542 280
                                    

hi! gusto ko lang ipaalala na yung mga next chapters na susunod is super redflag. i'm allowing y'all to make silip sa epilogue para makaalis na kayo rito kapag hindi niyo na kaya.

CHAPTER 36

PHAMELA

              PINANOOD KONG sumunod si Spiro kay Sky sa kwarto nito habang nanatili ako sa living room. Parang sinisikmuraan ako sa t'wing gano'n ang tingin sakin ni Spiro.

He changed a lot.

Sino bang hindi? It's been 7 years. 7 years that I failed to ask him if he's doing okay. I failed to greet them every Christmas, New year, and their birthdays. I failed to call. Naglaho ako ng parang bula at ngayon biglang susulpot para sabihing may anak kami.

Kung ako lang ay kaya kong palakihin si Skyros mag-isa pero mukhang kailangan niya talaga si Spiro kaya wala akong magawa. All I want is my son's happiness.

Umayos ako ng tayo nang lumabas si Spiro sa kwarto na 'yon. Hindi niya kasama si Sky kaya feeling ko mag-uusap na kami. Pinilit kong ngumiti sakanya.

Nilagpasan niya lang ako lumapit sa mini bar ng penthouse. Nag-salin siya ng alak sa baso at ininom 'yon. Walang nasasalita samin. Takot din akong magsalita dahil baka kung ano pang gawin niya sakin.

"I'm having our son." Napanis ang ngiti ko sa pagbabasag niya ng katahimikan.

"A-ano?" Napalunok ako. Tama ba yung narinig ko? Kukunin niya sakin ang anak ko?

"Kukunin ko ang full custody ni Skyros." My eyes widened. Naalala ko yung sinabi ni Peach. Kapag ginawa niya 'yon ay hindi malabong umalis siya ng bansa kasama si Sky. Ilalayo niya ang anak ko!

"H-hindi... Bakit kailangan mo pang kunin 'yon?" Matalim siyang tumingin sakin.

"Why not? He's my son. I should be the one who has the legal rights." I gritted my teeth.

"Pero anak ko rin siya!" Sigaw ko.

"You've been his mother for seven years, Pham. It's time for me to be his father. I need more time with our son." Nanglambot ako ro'n. "I'll pay you." Binaliwala ko ang sinabi niya dahil hindi ako interesado sa pera niya.

"P-pero hindi mo kailangang kunin ang full custody ni Skyros..."

"You can't do anything. I will have it with or without your permission. You know me, Pham." Tumulo ang luha ko sa takot.

"'W-wag mo namang gawin sakin 'to..." Nilapitan ko siya.

Kung kailangang lumuhod ako rito at umiyak ng dugo ay gagawin ko! Huwag niya lang ilalayo si Sky. Skyros is my life now. Simula nang mahawakan ko ang anak ko, ibinigay ko na rito ang lahat lahat ng pagmamahal ko. Hindi ko alam kung paano ako kung kukunin niya sakin si Sky.

"Sana inisip mo 'yan bago mo itago sakin ang anak ko! You don't know the feeling, Pham! Nagpapakasasa ako sa perang natatamo ko linggo linggo pero hindi ko alam na may anak pala akong hindi 'man lang makatikim ng kung anong meron ako!" He shouted. My body trembled because of that. "His first everything! Dapat nando'n ako!"

"'Wag lang ako ang sisihin mo! May kasalanan ka rin, Spiro!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses. Nagulat siya sa inasal ko at naningkit ang mga mata.

"Really?" Ngumisi siya.

Mariin akong napalunok. It's now or never, Phamela. Sabihin mo sakanya!

"Kung marunong ka lang sanang makuntento noon... kung hindi ka lang sana kung kani-kaninong babae nakikipaghalikan, hindi sana ako umalis. Hindi ko sana nilayo sayo si Skyros. Buo sana ang tiwala ko sayo pero hindi!" Sunod sunod ang patak ng luha ko.

Trapped with Spiro GrayNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ