TWSG : 20

34K 506 85
                                    

CHAPTER 20

PHAMELA

             HINDI AKO SUMAGOT dahil hindi pa naman ako sigurado kung talagang papayag ako. Pero hindi ko matatanggi na parang naakit niya ako sa salitang 'papanagutan' niya ako dahil sa nangyari.

Hindi ako easy na babae kaya mahalaga rin sakin ang panagutan ako pero hindi ko naman hinihingi 'yon sakanya dahil ako naman ang nag-udyok na gawin namin 'yon. Ako ang may gusto at nadala lang siya. In short, nagmamagandang loob siya na panagutan ako.

Hindi ko alam kung ano yung open relationship na sinasabi niya pero tingin ko ay hindi 'yon maganda pero wala lang akong choice.

Kanina pa kami nakauwi at gabi na ngayon. Wala akong ibang ginawa buong magdamag kung hindi pag-isipan ang alok ni Spiro. Sabi naman niya ay 'wag ko daw madaliin ang pag-iisip dahil hindi naman daw mawawala ang offer niya. Nakatulog din ako maghapon, hoping na makapag-isip pa ng maayos.

Naisip ko na kaya hindi ako matigil sa pag-iisip about do'n dahil hindi ko naman talaga alam ang ibig sabihin ng open relationship. Hindi ko alam kung anong ginagawa sa gano'n.

Tapos na kaming mag-dinner at nasa kanya kanyang kwarto na pero naisipan kong puntahan si Spiro para itanong kung ano ba ang ibig sabihin ng open relationship na 'yon at parang gustong gusto niya.

Kinatok ko ang pinto niya. Agad naman niyang binuksan 'yon at napangiti nang makitang ako ang nasa likod ng pinto. Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka-pajama na siya na kulay blue. Matutulog na kaya ang isang 'to o baka naman may pinapaood?

"Hey, come in." Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ako. Umupo siya sa kama kaya umupo rin ako do'n. Hindi maalis ang tingin niya sakin kahit wala pa akong sinasabi. "So, what's your decision?"

"Hindi ko pa alam. Hindi ko pa alam kasi hindi ko naman alam ang ibig sabihin ng open relationship na sinasabi mo." Umawang ang labi niya at napatango.

"Right." Umayos siya ng upo. "Open relationship means we are both committed, but we can still flirt with someone else." Natigilan ako. Flirt with someone else? Pero diba nasa relasyon kami? Gano'n ba ang open relationship?

"Parang share?" Tumango siya.

"Yup, parang gano'n, but at the end of the day, sayo pa rin ako uuwi at sakin ka pa rin uuwi." Natulala ako saglit sakanya.

"Hindi tayo pwede maging possessive..." He nodded. Hindi ako pwedeng magselos sa mga kahalikan niya? "At parang hinahayaan mo akong makipag-halikan at sumama sa iba, gano'n ba?" Kumunot ang noo niya.

"What do you mean sumama? That you both will fuck? No. No one's allowed to fuck with someone else." Napatango ako. Hindi naman big deal sakin 'yon dahil hindi naman ako makikipag-ganon sa iba.

"Pero... okay lang yung kiss..." Umigting ang panga niya. Medyo naiinis na ata siya sa mga tanong ko.

"Why are you asking that? May plano ka bang magpahalik sa iba?" Sumama ang timpla niya. Nag-kibit balikat ako dahil hindi pa naman ako sigurado kung matetempt akong humalik sa iba. "What's with your shrugged?"

"Hindi ko pa alam, Spiro. Hindi ko masasagot 'yan kasi hindi pa naman ako natetempt sa iba. Baka sa school ay magawa ko na." Hindi siya sumagot at diretsyo lang ang tingin.

"So... you're planning to kiss someone else, huh." Tumango ako nang mapagtanto kong may plano nga akong gano'n.

"Oo. Ikaw din naman diba?" Nakita ko ang pag-irap niya. "As long as hindi tayo mangka-kama ng iba." Bumuntong hininga siya at mariin akong tinignan.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now