TWSG : 33

33.9K 556 57
                                    

CHAPTER 33

PHAMELA

            "KYRO! NANDITO NA SI TITA!" Pinasadahan ko ng tingin ang kapatid kong si Peach. Tatlong araw din wala ang babaeng 'to dahil sa trabaho. Sinalubong agad siya ng yakap ni Kyro. "Ang bango bango mo naman, baby!"

Humagikgik si Kyro. "Nasan po pasalubong ko?" Nag-taas ako ng kilay at natigil sa paghihiwa ng kamatis. Humalakhak si Peach bago naglabas ng isang magazine.

"Tada! Hinanap ko pa 'yan!" Halos mag-ningning ang mga mata ng anak ko nang mapunta sa palad niya ang magazine na inabot ni Peach.

"Wow! Thank you po, Tita!" Humalik sakanya ni Skyros bago sumampa sa upuan para pagmasdan ang magazine.

"Pst, Peach," Sitsit ko sa kapatid. Tinignan niya ako. Hinubad niya ang jacket na suot kaya lumabas ang tube niya. Naglakad agad siya papunta sakin at kumuha ng bigas para magsaing.

"Ano?"

"Ano na naman yung magazine na binigay mo sa anak ko?" Ngumuso siya kaya halos tumirik ang mata ko sa sobrang inis. "Hahanapin na naman no'n ay tatay niya dahil sa mga magazines na 'yon!" Gigil kong sabi pero humalakhak lang siya.

"Ano ngayon? Ilang taon na si Kyro, hindi mo parin ipapakilala sa tatay niya? Paano kung ikasal na 'yon? Edi nakasira ka pa ng pamilya? Sa magazines na nga lang niya nakikita ang tatay niya, e." Nanlamig ako. Tinignan ko agad si Skyros na maingat na binubuklat ang magazine.

"Anong ikakasal? Engaged na ba? Dapat nabalita na o dyaryo, diba?" Umirap siya.

"Duh. Theory ko lang 'yon. Hindi ba't hinahanap na ni Skyros ang tatay niya sayo noong nasa park kayo last week? Pinangakuan mo rin yung pamangkin ko na ipapakilala mo siya sa tatay niya! Ano na? Six years old na 'yan si Skyros, wala ka paring plano?" Natahimik ako. "Nangyari na ang gusto mo, successful na yung tao!"

Hindi ko alam. Pitong taon na akong naduduwag kapag usapan ang tatay niya. Lalo na noong kakalabas pa lang ni Skyros takot na takot akong may makakita sakanya dahil baka may magsumbong.

"Natatakot ako, Peach... Baka kunin niya sakin si Kyro?" Matalim niya akong tinignan.

"So? Understandable naman 'yon. Nilayo mo ang bata sa tatay, e! Pero huwag kang papayag na makuha ang full custody ni Skyros. Paano kung dalhin 'yan sa ibang bansa? Ano ka ngayon?" Mas lalo akong kinabahan.

"Siraulo ka! Dapat pinapalakas mo ang loob ko!" Tinuktok ko siya ng sandok.

"Duh! Nagsasabi lang ako ng totoo. Anong tingin mo? May tutulong sayo ro'n kung halos lahat sila ay masama ang loob nang umalis ka? Pwede ko naman kayo samahan ni Kyro." Napatungo ako.

My mother and father passed away. Naunang nawala si Papa 2 years old pa lang si Skyros then sumunod si Mama after 2 years. Alam ni Mama na si Spiro ang tatay ni Skyros and she wants me to reveal the truth habang hindi pa raw huli ang lahat.

Hindi naging madali. Patigil tigil ako sa pag-aaral. Wala akong planong mag-labas ng pera na galing kina Ma'am Brie pero halos masaid 'yon nang manganak ako. Nag-50/50 kasi ako dahil sobra na sa araw si Skyros sa loob ko. Natakot nga ako dahil baka makakain siya ng dumi pero mabuti na lang at hindi.

I tried to study again pero sadyang mahirap kaya si Peach muna ang sinoportahan ko. Now, nauwi siya sa pagiging model sa isang magazine pero hindi pa siya regular pero may mga kaibigan rin siya ro'n na nilalakad siya lagi.

Hindi nawala ang connection namin ni Nikos sa loob ng pitong taon. Siya na rin halos ang nagbalita sakin kung anong nangyayari sa pamilya nina Ma'am Brie at nalulungkot ako dahil sa nangyari kay Keinna. She got pregnant at early age like me, but she's successful now.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now