TWSG : 54

38.1K 585 90
                                    

CHAPTER 54

PHAMELA

     "DON'T TELL ME... You're forcing her because it's rough sex, right?" Bumagsak ang tingin ko sa kumot nang nalipat ang tingin sakin ni Ma'am Brie.

"Are you saying that I'm doing it against her will?" napakurap ako at nag-angat ng tingin ay Spiro. 

Hindi ko mapigilang hindi mamangha sakanya. Really? He's denying that? Hindi siya aamin na pinipilit niya ako? Hanggang kailangan siya magiging selfish? Pero 'yon na talaga ang tawag do'n gayong pumayag naman ako noong una?

"That's why I'm asking, Kuya Spiro. Hindi namin kadugo si Phamela, oo, but we will never tolerate you kung gano'n man ang ginagawa mo." Kumunot ang noo ni Keinna.

"I'm not---" Garret laughed sarcastically.

“Really? Kung hindi forced sex ‘yon, bakit dinugo si Phamela? Ano? High ka?” kumabog ang dibdib ko nang humakbang ito palapit. “Hindi mo ba nakita kung paano siya umiyak kanina?”

Napasigaw sila nang kinwelyuhan niya bigla si Spiro. Ngayon ko lang makikitang ganito kagalit si Garret at ngayon ko lang lang din nakitang galit siya kay Spiro. Kulang na lang ay magsuntukan sila.

“You’re forcing her! Admit it!” sigaw nito. Tinignan ko ang reaction ni Sir Dereck na nanatiling nakamasid lang at parang nagugustuhan niya pa ang ginagawa ni Garret sa anak.

“I’m not!” sigaw ni Spiro bago tinulak palayo kay Garret.

“Do you want me to punch you again, huh?!” susuntukin na sana nito si Spiro pero pumagitna na si Ellis.

“Kuya, stop it!”

“As if I’m scared,” ngisi ni Spiro. “Why don’t you ask Phamela? Ask her if I’m forcing her!” tinignan ako ni Spiro.

Parang may pumiga sa dibdib ko. Paano niya nasasabi 'yan na parang hindi siya natatakot na magsalita ako. Ganito ba kalaki ang tiwala niya sakin? Tingin niya ba talaga hindi ko siya ilalaglag? Well, he's right. Kahit gaano kalaki ang galit ko sakanya, hindi ko siya kayang ilaglag gaya ng ginawa niya sakin. Hindi dahil sa mahal ko siya kung hindi dahil siya ang ama ng mga anak ko.

"Tell us, Phamela." Mariing sambit ni Garret. "Tell us! Ako mismo ang magpapakulong sa gagong 'to." Napakurap ako.

“Phamela… Is he forcing you?” marahang tanong ni Ma’am Brie.

Napalunok ako. Isa sa mga rason kung bakit hindi ko malaglag si Spiro dahil kay Ma'am Brie. Natatakot akong masaktan siya sa isasagot ko. Natatakot akong kwestyunin niya ang sarili niya sa pagpapalaki kay Spiro. Hindi ko siya kayang saktan.

"Hindi na ho mahalaga kung anong nangyari. Ang mahalaga ngayon, ligtas na ang anak ko. Hindi na mauulit 'yon." Bumagsak ang tingin ko sa baba.

"Enough stress for Ate Phamela. Umalis na tayong lahat," Sambit ni Eirene. "We will discharge you later, Ate Pham." Ngumiti ako rito.

"Salamat, Eirene." Lumapit siya sakin para yakapin ako. Hinaplos niya rin ang t'yan ko.

"Hang in there, baby. Tita will do everything to keep you safe." Napangiti ako sa sinabi niya. She's still the sweetest. "Magpahinga ka na, Ate Phamela." I slowly nodded.

Isa isa silang nag-paalam sakin. Sinabi rin nilang isasama na nila si Skyros. I waved my hands habang pinapanood silang umalis.

I gulped when I saw Spiro. He closed the door. He's staying? Kumabog lalo ang dibdib ko nang makita siyang naglakad palapit sakin. Umiwas agad ako ng tingin sakanya.

Umayos ako ng higa. Pipilitin kong matulog! Ayokong manatiling gising nang nandito siya sa harap ko. Tumalikod ako sa gawi niya. I closed my eyes immediately. Please, I need to sleep kahit kakagising ko lang!

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now