Chapter 36

10.4K 357 254
                                    

Paint Cenery

NAPABANGON ako sa kinahihigahan ko nang maramdaman ko ang malamig na hangin na tumatama ngayon sa balat ko.

Napakusot ako sa aking mata nang mapansin kong hindi pamilyar ang nasa paligid ko. Narito ako sa isang kwarto na ngayon ko lang nakita kaya naman napaawang ang bibig ko at inilibot ang aking paningin.

Hindi naman 'to ang kwarto sa bagong bahay namin kaya nasaan ako? Madilim ang paligid at tanging ang lampshade lang na ito ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng kuwarto.

Dumako ang mga mata ko sa isang pigura ng lalaki na nasa verenda habang nakatalikod saakin at hawak hawak pa ang baso na may laman na alak.

Pinakatitigan ko ang likod na 'yun para kumpirmahin kung sino siya
ngunit natigilan ako nang biglang maalala ko ang mga pangyayari na 'di na dapat pang maalala. Unti unti ako nag panic nang biglang nabuo na ang alala ko patungkol sa pangyayari sa huli naming ginagawa sa kotse niya.

Nataranta akong napatingin sa katawan ko upang kumpirmahin kung hubo't hubad na ba. At nakahinga naman ako ng maluwag nang mapansin na 'yun pa rin naman ang suot ko. Napakagat ako saaking labi at agad na napayakap sa sarili ko saka pilit na inalala kung may nangyari ba saamin o wala.

Sumulyap ako pigura ng lalaking nakatalikod at unti unti ko na ngang napagtatanto na si Roks 'yun.
Napahawak ako sa ulo ko dahil wala talaga akong naalala pagkatapos naming maghalikan, kahit anong piga ko sa utak ko blanko pa rin. Jusko, basta ang alam ko lang ay naghahalikan kami hanggang doon lang.

Napasuklay nalang ako sa buhok ko at napagdesisyunan nalang na tawagin si Roks para kumpirmahin ang nangyari kaysa mag isip ako ng kung ano ano rito dahil ramdam kong malapit na akong mabaliw.

"Hoy." unti unti at matamlay siyang lumingon saakin pero nang magtama ang paningin namin ay kaagad naman ito nagkaroon ng sigla.

"Cenery." napatayo siya sa kinauupuan niya at akmang lalapitan niya ako ngunit bigla siyang natigilan na para bang may kung anong napagtanto. Parang takot na takot siyang lumapit saakin na talaga namang ipinagtaka ko.

"Saan mo 'ko dinadala? Anong ginawa mo saakin?!" hindi ko napigilan itaas ang boses ko. Hindi naman kasi 'to ang kwarto niya sa mansyon na pag mamayari niya. Alam na alam ko 'yung itsura no'n, e.

Napaawang ang bibig ko nang bigla siyang lumuhod at maluhaluha akong tinignan. "I'm so sorry," paos na usal nito.

"G-go mo talaga!" napakaraming ibig sabihin ng pagluhod sa harap ng tao. Pero ang pinaka gamit na kahulugan ay kapag ginawa mo 'yun talaga namang nakakababa ng pagkatao na kung saan parang itinatapon mo ang lahat ng dignidad mo sa kabuuan mo para lang makahingi ng tawad.

Hindi ko akalain na dalawang beses kong mapapaluhod sa harapan ko ang isang Roks Musket Montego para humingi ng tawad pakiramdam ko prinsesa tuloy ako. Parang ang taas taas kong tao dahil napaluhod ko ang isang kagaya niya.

Ngunit dapat magiging masaya ako kasi pabor naman saakin 'yung ginawa niya pero bakit hindi ko nararamdaman 'yun. Walang kahit anong bahid ng kasiyahan sa sistema ko habang tinitignan siyang nakaluhod ngayon sa harapan ko.
Sa katunayan naiinis ako sa ginawa niya dahil ayoko siyang nakikita na gan'to. Gusto ko siya na lumuhod pero hindi sa gantong paraan, hindi sa gan'tong dahilan.

"I feel like the worst person in the whole world right now. I understand that even if I say sorry, it will not change anything." sobrang lungkot at paos ng boses nito at 'yung mga mata niyang napakaganda ay unti unti na namang nagtutubig.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon