Chapter 4

16.8K 440 99
                                    

Paint Cenery

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paint Cenery

NAGBOW ako ng bahagya at ngumiti saka tumalikod para hindi masyadong halatang kinakabahan ako. Sh-t, sa lahat ng mga nanakawan ko sakaniya lang ako kinabahan nang magkrus muli ang landas namin.

Paano naman kasi, 'yung mga nanakawan ko hindi naman ako gan'to tignan, parang walang lang nangyari kasi nga malinis akong magtrabaho at matic na nawalang makakakilala saakin.

Oh baka naman nag o-overthink lang ako? Kasi lasing siya at medyo madilim kaya sure akong hindi niya ako makikilala. Pero bakit siya nakatingin? Assuming lang ba ako? O baka hindi siya nakatingin saakin? Baka duling lang? Baka sa likod ko nakatingin?

Inis kong tinulak ang stroller na may laman na biscuit ng dog habang papunta ng Hall. Kailangan ko na talagang makagawa ng paraan para makaalis sa lugar na 'to dahil hindi naman gano'n kalaki ang park na para hindi kami magkita muli at kapag nagkataon na magkita kami ulit ay paniguradong yari na talaga ako nito.

"Paint! Hindi mo pa raw nahahatid sa mga bandang harap 'yung biscuit for dog." saad ng kasamahan ko sa waiter na bigla akong sinabayan papunta ng Hall.

"Ah hindi pa ba? Sorry pwedeng ikaw muna may emergency kasi eh, kailangan kong makausap si Roi." nakangiwi kong saad sakaniya at umarte na sobrang natataranta kaya huminga ng malalim at tumango.

"Oh sige, bilisan mo ha. Maghahatid din kasi ako ng Cat food tapos kailangan n'yan mag hatid na tayo ng pagkain sa mga bisita kasi start na 'yung pet runway.'' tumango ako at mabilis na tumakbo papunta ng loob at naabutan ko ang mga nag m-mascot doon na umiinom na mga tubig.

"Roi!" napatingin naman siya saakin at inilahad ang hawak niyang tubig.

"Oh ano tomguts kana? Kain ka muna biscuit ng aso d'yan. Tiis tiis muna tayo Ate ha, makakaraos din tayo." malokong usal niya kaya napairap nalang ako saka lumapit sakaniya upang bulungan.

" Palit nalang tayo, ako muna mag mascot. Ayokong napapagod ka eh. Kawawa naman ang bestfriend ko mukha ng tukmol.." ngumisi siya dahil sa sinabi ko at ibinaba ang hawak niyang baso ng tubig.

"Based on my intellectual capacity and my vast knowledge, tactically and tentively, right from the beginning, of Ecclesiastes evolution I have come to a concrete, definite and profound conclusion that I actually have nothing to say but, while camping my brain suddenly stop working, I had to think fast so I remove my brain and put some soil inside, connect the wire then light it up! And I think You're hiding with someone, pakwan, dandandan dalandan~ dandandan real real lasap na lasap real na real na real dandandan dalandan~ Problem solve. Im an alpha kid." napahilot naman ako sa sintido niya dahil nagawa niya pang kumanta at nagsimula na naman siya magsalita nang walang kwenta hindi mo talaga maiintidihan dahil mali mali naman 'to at niloloko niya lang talaga.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon