Chapter 48

9.9K 291 283
                                    

Paint Cenery

BINUKSAN ko ang talukap nang mga mata ko at naupo sa kama. Napahikab at napakamot ako saaking ulo dahil mukhang panaginip lang nga 'yun.

Hays, buti naman.

Ang sagwa ng panaginip ko na 'yun pero kung sabagay naniniwala naman ako na kabalikataran ang mga mangyayari sa panaginip at realidad.

Nagunat-unat ako bago napagdesisyunan na lumabas ng kwarto. Dumaan ang mga mata ko sa orasan at 9:30 pm na rin pala.

Mahaba-haba ang tulog ko, ha? Teka, anong oras nga ba ulit ako natulog? 'Di ko matandaan.

Naabutan ko na busy sa kanikanilang gawain ang mga kapatid. Habang si Tatay naman ay nanonood ng TV.

Kinusot ko ang mga mata ko at binilang ang mga kapatid ko sa aking isipan. Apat lang sila? Hannah, Rhyka, Hanz, at Coco. Huh? Kulang ng isa!

Ah, ok.  Wala pa si Ella. Hala, oras na, ha. Nasaan kaya 'yun?

"Gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo? Ayan pinangtabi na kita ng ulam. Paborito mong tinapa at talbos ng kamote sawsaw sa suka na may bagoong."

Napangiti nga ako nang makita ang nakatabing pagkain ko. "Salamat, Tay. Ayos lang naman po." naghilamos ako para na rin makakain dahil kumukulo na ang tyan ko.

"Kala nga namin, Ate. Napano ka naman kasi naaubutan ka nalang namin kanina na nakahiga sa sahig," saad ni Hanz na kumukuha ng tubig.

Kumunot ang noo ko at pakiramdam ko tumigil ang tibok ng puso ko.

"Nasa sahig? Huh? Paano? Baka nag sleep walking ako? Hahaha." natatawa kong saad dahil kahit kinutuban na ako na totoong nangyari ay kailangan ko pa rin mag patay malisya.

"Mukhang nalilipasan ka ng pagkain, ano? Mabuti nalang pala agad nakauwi itong si Hanz. Eh, nakabantay kami kanina sa bakery kaya walang tao rito. Naabutan ka niyang walang malay."

Napalunok ako dahil unti-unti ko nang naalala ang huling nangyari kanina bago ako nawalan ng ulirat.

Nang makita ko ang video na 'yun ay ilang minuto lang nawalan ako ng malay at sapagkakaalam ko narito ako sa sala noon.

Napatango-tango nalang ako. "A-ah o-opo 'di kasi ako nakapag lunch kanina ng ayos kaya po nawalan siguro ako malay. Saglit lang po may kukunin lang ako sa kwarto."

"Oo bilisan mo at nang makakain ka na huwag kang magdahilan na busog ka aba Pintura masesermunan talaga kita." ngumiti ako at tumango.

Naglakad ako sa kwarto at bago ako makapasok ay narinig ko si Tatay.

"Ano Hanz, hindi pa nag r-reply ang Ate Ella mo? Oras na, ha."

Napapitik ako sa hangin. "Baka po gumagawa pa ng project. Nag paalam kasi saakin kasi hindi sumabay. Gagawin na raw nila project kasama ang partner niya," wika ko sapagkat naalala kong saakin pala siya nag paalam kanina.

"Aba'y hindi nag paalam saakin ang batang 'yon, hindi rin naman macontact, hays. Matutuktukan talaga saakin 'yan."

"Pauwi na po siguro 'yun. Tatawagan ko nalang po," sambit ko saka pumasok na ang tuluyan sa kwarto.

Nilock ko agad ang pintuan at naupo sa kama. Huminga ako nang malalim at tinignan ang groupchat namin para kumpirmahin kung hindi ba talaga panaginip ang lahat.

Iba na ang topic nila kaya naman napadesisyunan kong magback read at
nang makita ko na ang parte na pinag uusapan nila ang scandal ay agad kong pinindot ang home page.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon