Chapter 38

10.3K 304 85
                                    

Paint Cenery

NAPAILING ILING lang ako dahil nagsisimula na naman ako sa kahibangan ko. Anak ng shooting star, nagsisimula palang kami. Kaayos lang namin kanina tapos ito na naman ang potakteng 'doubt' na 'to.

Kailangan malaban ko 'to kasi katulad nga ng sabi ni Roks, paano ako sasaya kung hahayaan kong makain ng pagdududa ang puso ko. Eh, paano magiging maayos ang pagsasama namin kung hindi ko siya pagkakatiwalaan. Ni hindi pa nga kami mag jowa masyado na akong praning.

Ngayon ko lang din kasi napagtanto na sa oras na tuluyan na akong nahulog sakaniya ay sumusugal na ako no'n pero hindi ko lang napapansin kaya nitong naamin ko na sa sarili ko at sakaniya na mahal ko siya bakit 'di ko nalubos-lubusin ang pagsugal? Kung matatalo man ako sa sugal ng pag ibig edi goods lang atleast may experience na kaya dapat wala na akong ikatakot pa.

"Hey, are you ok?" kunot noong tanong niya at akmang lalapit a siya saakin pero pinigilan ko siya.

"Bihis ka na muna, namili na ako ng susuotin mo. Sa underwear ikaw nalang kumuha d'yan." itinuro ko ang damit na nakalapag sa kama at iniwas ko ang tingin ko dahil kung kanina ay 'di ako distracted sa mabasa basa niyang dibdib pababa sa abs niya ay iba na ngayon.

Nanunuyot lalamunan ko sa nakikita ko, ang hot takte. Aba marami mag sa sana all nito sa lugar namin kapag pinagyabang ko na may jowa akong gwapo, mayaman, mabait, matalino, makaDiyos at yummy pa.

Solid takte, nasa kaniya na lahat. Lord, alam ko naman 'di tayo close, alam kong marami akong kasalan sainyo pero bakit binigyan niyo ako ng isang Roks sa buhay. Wala lang gusto lang kitang kwestyunin sa bagay na 'yan, alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi ko siya deserve.

"Thank you," nakangiti niyang wika at kinuha ang damit na nakalapag sa kama saka nagtungo sa closet.

Dalawa kasi na gano'n ang meron rito 'yung isa doon ay nakalagay ang bagong damit na binili saakin tapos 'yung isa sakaniya naman. Angas nga eh, para na kami mag asawa na nag s-share ng lagayan ng damit.

Malaki naman kasi 'yung kwartong 'to parang ito ang pinaka master bedroom sa beach house na 'to. Iniisip ko nga kung pwede kami magtabi sa kama mamayang gabi, e.

Tabi lang matulog, promise.

Awitize, ewan ko pero sa mga oras na 'to parang ang saya ko 'yung tipong malaya na akong ipahayag ang nararamdaman ko. Wala ng halong pag d-deny sa sarili at kay Roks.

Bumalik si Roks sa CR at 'di rin nagtagal ay lumabas na siya.
Naupo ako sa kama at agad na napaawang ang labi ko dahil bagay talaga sakaniya 'yung pinili kong khaki short at 'yung itim na polo tapos taktengina naka unbutton pa.

"We have the same color of clothes huh, love it." lumapit siya saakin at naupo sa tabi ko habang pinupunasan niya ang buhok niya gamit ang tuwalya.

Napangiti nalang ako at tumingin sa suot ko. Ayon do'n sa resibong naiwan sa cabinet. Isa 'tong, spaghetti strap asymmetric hem cascading ruffles floral printed black sleeveless maxi dress. Sa madaling salita, beach dress siya na kulay itim tapos bulaklakin. Sa totoo nga lang ang mahal nito nasa dolyar 'yung presyo samantalang makakabili ka ng tig 250 na gan'to sa baclaran at divisoria. Ebarg talaga mayayaman hindi alam ang salitang tipid.

"Akin na nga." inagaw ko sakaniya ang tuwalya at ako na mismo ang nagpunas sa buhok niya.

"Thank you, baby." halatang may halong pang aasar na sambit niya. Alam niya kasing pinagpupulahan ako kapag tinatawag niya ako ng gano'n.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon