Chapter 5

17.1K 435 67
                                    

Paint Cenery

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paint Cenery

TULALA pa rin ako sa kinatatayuan ko kung saan ako iniwanan nina Captain.
Ni hindi talaga makagalaw habang hawak hawak pa rin ang binigay n'yang plastic ng napkin.

Nakakapagtaka, paano niya nalaman na kailang ko ng gan'to? Tinagusan na ba ako sagad sa mascot pero makapal ang suot kong 'to kaya paniguradong hindi ako tatagusan dito pero hindi pa rin ako sigurado o amoy regla na 'ko? Baka malansa na kaya alam n'ya na agad, pero kung amoy malansa na ako edi dapat ang mga batang si Ranch at Dawina na mga anak mayaman ay nandidiri na saakin? Oh baka naman naamoy na nila ako pero hindi lang nila pinahalatang nandidiri sila para hindi ako ma offend kasi naman wagas makayakap ang dalawang bata saakin.

Hays, naghahalo halo sa isipan ko ang mga nangyari. Kasi naman 'yang Captain gray eyes na 'yan parang alam ang lahat. Nakakapagtaka na nalaman niya na kailangan ko ng napkin at nakakapagtaka na nalaman niyang
ako 'yung babaeng nagnakaw sakaniya ng wallet at first kiss niya raw.

Paksyet! First kiss niya ako at first kiss ko rin siya? Ang hirap lang paniwalaan na ako anh unang halik niya kasi ang mga gano'n kagwapong lalaki ay marami na paniguradong na halikan.

Pero ang problema dito ay pinagbaba- taan niya na ako. Pagsisihan ko raw ang ginawa ko. Hindi naman sa natatakot pero kakabahan ako bigla, first time kong kabahan sa isang banta kasi naman para bang may kung anong aura siya nakakapang bilis ng tibok ng puso.

Papakulong niya na ba ako? Tapos na ba ang masasayang araw ko? Paano nalang ang pamilya ko? Wala nang magtutos sakanila lalo pa't ngayon si Tatay may cancer at ang mga kapatid ko ay lahat nagaaral, maraming gastusin sa eskwelahan.

Kung balak niya akong ipakulong ay dapat ginawa niya agad ngayon kasi maari ko naman na siyang takasan ngayon mismo pero naalala ko na sinabi niya na kaya niya akong hanapin kahit saan ako magpunta baka may umaaligid siyang tauhan
kasi mayaman siya. Kaya niyang gawin ang lahat sa pamamagitan ng pera niya.

"Gomo gochi pachitaw, gusto ko ng palitaw~." nabalik ako sa reyalidad nang maramdaman kong may pumapalo saakin na mga dahon.

Napakunot ang noo ko at pinigilan si Roi Gin na nakapikit habang ginagawa n'ya ang pagpalo saakin dahil nagiging abnormal na naman siya "Goma gucci palawlaw, penge po ng ampaw." patuloy niyang sinasambit kaya itinulak ko siya dahilan para idilat niya ang mata niya.

"Anak ka ng shooting star! Potakte ka! Anong ginagawa mo?!" inis kong sambit kaya inikutan niya ako habang pinapaspas ang hawak niyang mga dahon. "Pintura mukhang siopao~ Pintura mukhang siopao~." marahan kong pinulot ang ulo ng mascot at binato sakniya.

"G-go ka Roi Gin, ano ba problema mo?" iritado kong saad dahil mukha siyang tanga sa ginagawa niya. Napalinga linga ako s paligid at walang tao sa banda ng park na 'to kami lang dalawa.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon