Chapter 59

13.1K 321 206
                                    


Warning: This chapter is SPG

Paint Cenery

I SIGHED IT'S BEEN A WEEK but hindi ko pa rin matunton kung sino talaga ang pumatay kay Galvez. Ubos na ang araw na ibinigay ni Bite saakin and gano'n pa rin, I failed.

I'm still finding evidences if si Allejano ba ang suspect o 'yung mga mineet niya noong party. Inisa-isa ko ang mga guest at kumalap pa kami ng information about them.

Some of them are business man, artist, and politician. Iniisa-isa ko rin ang mga business ng mga ito and wala akong nakitang kahina-hinala which is understandable naman dahil hindi ko naman basta-basta malalaman mga underground monkey business nila.

Most them, hindi naman talaga kilala ni Galvez. So what's the possible reason why they killed him? Wala namang utang 'yun. If it's about business? O ano pa? I can't conclude agad lalo pa limited ang time ko and sources.

I'm still not that pro in this field. Hindi ako katulad ni Bite na halimaw at malalaman ang lahat-lahat in a span of 2 days.

Sobra akong nahihirapan sa totoo lang. Hindi nag f-function ang utak ko and I feel really tired. Hindi na talaga maayos ang pakiramdam ko lalo pa hindi na ako sanay sa klima rito. 'Yung sudden changes ang nagiging dahilan kung bakit parang magkakasakit pa ata ako.

I just realize na never pa akong nag rest since nag start ang year na 'to. Bukod sa isa akong part-time ko lang ang pagiging artist. I do art galleries and sell them to donate sa mga charities. Tapos idagdag pa na naging tuloy-tuloy ang mission na binibigay ng CIA saamin.

"What are we going to do with Galvez' body?"tanong ni Emily. Until now nasa headquarters pa rin nina Mamsh ang katawan niya. Though, bumalik na si Mamsh sa main headquarters dito sa Pinas which is sa Palawan.

Hindi naman namin pwedeng ilagay dito saamin si Galvez. Delikado lalo pa hindi naman fully secured ang bahay na 'to kaya naman pinagstay pa rin naman siya doon.

Base sa investigation namin. Pinaghahanap pa rin ng tauhan ni Galvez ang katawan niya. Umuwi na ang anak niya rito sa Pinas para hanapin ang ama niya. They are so eager.

Ofcourse they are mad, handa na nilang itorture 'yung mga nag kidnap sa bangkay ng tatay niya but hello kami 'to. Baka kami pa 'yung mang torture sakanila. Tss.

"Balik niyo na," walang gana kong usal saka kumagat ng fresh strawberries.

We're here in the living area. Tamad na tamad na ako ngayong araw lalo pa alam kong hindi na kami magtatagumpay sa planong 'to.

"Tommorow is our flight to UK. And still we didn't find the culprit. I guess goodbye precious skin? Torture is waiting for us," nakangusong usal ni Nath.

"Hindi naman ako papayag," iritado kong usal.

There's a lot of rumor na ang consequence ng mga failure ay torture. But that's just rumor 'yung mga kasamahan kasi naming nag f-failed ay nawawala ng ilang buwan and kapag babalik hindi naman sila nagsasalita sa kung anong ginawa sakanila.

"Me too.." nag angat ang kilay ko nang biglang sumulpot si Crim. Tinapat niya sa mukha ko ang isang picture na nakaprint sa bondpaper.

"Do you know what is this?" sinilip ko ang mukha niya nakangisi aakin.

Inirapan ko siya. "Obviously, that's a flash drive?"

"Alam mo ba kung kanino 'to?"

"Hindi ako mukhang confuse ngayon if alam ko, Crim. Huwag bobo mag tanong."

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon