Chapter 34

7.4K 280 129
                                    

Paint Cenery

NAPAKA raming haka haka ang umiikot sa isipan ko, hindi ko na
alam kung ano ang dapat kong
maramdaman sa mga oras na 'to dahil talaga namang halo-halo at iba-iba pero nanaig pa rin naman ang galit, sakit, kalungkutan at pagtataka.

Sh-t naman kasi, hindi ako makapaniwala na magagawa niya akong paglaruan ng gan'to. Ang akala ko talaga seryoso siya saakin, sobra nga akong nagsisi na nireject ko siya, e. Tapos ginag-go lang pala ako ng potakteng 'to? Anong trip niya? Bored ba siya? Bakit niya sinabi na mahal niya ako kung magpapakasal na pala sila ni Derin? Bakit noong tinanong ko sila tinanggi nila na hindi totoo ang kumakalat na balitang engaged sila? Ano pa showbiz ang peg ng mga bwiset na 'to?

Hindi ko talaga maintindihan, bakit niya nagawa 'to? Bakit ako pagsasayangan ni Roks ng oras para lokohin lang, sino ba ako? Ano mapapala niya sa pang g-go saakin? Wala ng espesyal saakin para magkaroon sila ng benipisyo sa pang p-punyeta saakin, hindi naman sila yayaman at sisikat pa lalo na sa ginawa nilang 'to. Wala namang prestisyosong award silang makukuha o ano pero bakit?

Anong akala niya nakakatuwa at cool siya lalo sa ginawa n'yang 'to? Ano 'to, isang achievement ba sakaniya na mag-go ang isang tulad kong basura? Anak ng shooting star, napakaisip bata niya naman kung gano'n. Ano tingin niya sa sarili niya teenager pa siya na nakikipag pustahan sa kaibigan--kung mapapatos niya ba ako at kakagat sa pain niya?

T-ngina niya, lahat ng mura ang sarap ipakain sakaniya. P-nyeta, bubusugin ko ang hayop na 'to ng daang daan na mura. Ang sarap niyang bangasan pero hindi ko naman magawa, andami kong gustong gawin sakaniya pero wala namang ginagawang aksyon ang katawan ko. Puro lang ako dada pero ito ako ngayon tulala at nakatameme lang sakanila.

Nasasaktan kasi ako ng sobra, nag expect ako kahit paano. Sobrang disappointed ko ngayon, oo nga't may pag aalinlangan saakin noong una palang kung dapat bang paniwalaan ko kung seryoso ba siyang mahal niya ako, 'yung tipong hirap akong pagkatiwalaan ang sinasabi niya saakin dahil sino nga naman ako, hindi naman ako kagusto gusto at hindi ako ideal girl ng kahit sino, insecure ako sobra sa sarili ko.
Pero kasi 'yung paraan niya na pagpapakitang mahal niya ako ay talaga namang nakakaakit dahilan para unti unting umuusbong ang katiting sa parte ko para umaasa akong totoo ang lahat ng nararamdaman niya saakin.

Punong puno ako ng pagdududa noong una kaya naman nireject ko rin siya noong huli kaming nagusap, diniretso ko siya na hindi ko masusuklian ang pag mamahal niya pero nang makausap ko si Atarah ay nagbago ang lahat ng pananaw ko,
parang nagkaroon ako ng lakas na sumugal sa laro ng pagibig kahit walang kasiguraduhan ang lahat.

Simula talaga nang 'di na siya nagparamdam saakin ay lubos akong naghinayang at sobra kong sinisi ang sarili ko sa naging desisyon ko.
Iniisip ko na hindi tama ang desisyon ko noon dahil alam kong may iba akong nararamdaman pero nag bubulagbulagan lang ako.

Dumako nga sa isipan ko na dapat pinili ko nalang siya noong araw na 'yun, edi sana masaya na kami na magkasama.

Pero ngayon na nakikita ko ang lahat ng panggag-go niya---sa isang iglap nawala ang lahat na 'yun sa isipan ko. 'Yung pride at ego ko galit na galit.
Sobra ng natapakan ang ego ko, hindi matanggap ng kabuuan ko na ginag-go nila ako. Kulong kulo ang dugo ko, gusto kong sumabog at magsalita ng masasamang mga word(s)

"So why are you here, anyway? Are you going to buy a couple or should I say engagement ring too? Hmm? I heard that you both have a relationship." nagtiim ang bagang ko sa sinabi niya. Saan chimis niya nasagap ang pinagsasabi niya? Nakakainis ang presensya ni Derin ang pabebe niyang isyu(wer), nawala 'yung pagiging astig nito sa paningin ko.

Napatingin ako kay Atlas na pinipisil pisil ang kamay ko habang diretso at malamig ang tingin kina Roks. Ramdam ko rin ang titig saakin ni Roks at Derin pero hindi ko sila magawang tignan pakiramdan ko kasi t-traydurin ako ng sarili ko baka magmukha akong kawawa at nasasaktan, ayokong makita nila akong gano'n.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon