Chapter 18

10.3K 326 55
                                    

Paint Cenery

NATUTULA ako ng ilang saglit bago ako natuhan nang magsalita muli ang isang nurse. "Gaga, hindi niya girlfriend 'yun si Ma'am nobya niya 'diba po?" sabat nung isang nurse.

"Hala totoo? Ikaw nobya ni Captain Roks?" agad naman akong umiling at denepensahan ang sarili ko sa paratang nila.

"Hindi, nag t-trabaho lang ako sakaniya. Nasaan nga ulit sila?" napangiti ng malaki ang mga nurse na para bang gumaan ang loob nila nang mapagtantong hindi ako nobya ni Roks.

"Nasa Garden po, sa likod nitong hospital Ma'am. Tanong tanong nalang po kaya kapag naligaw kayo." napatango nalang ako at iniwanan na sila sa station nila.

Wala na sana akong balak pang magpunta ng garden ang kaso nabuhay ang kuryoso sa katawan ko kaya dinala ako ng paa ko papunta ng garden.

"Saan po banda 'yung garden?"  tanong ko sa isang janitress base sa kaniyang uniporme. Parang kailangan lang, gan'to lang din ang trabaho ko ang kaso lang hindi ako tumatagal dahil lagi akong napapaaway.

"Saktong sakto ma'am pupunta ako doon para mag walis." ngumiti nalang ako saka sumunod sakaniya. Tahimik lang ako at ewan ko ba kung bakit ko tinatanong ang sarili ko kung magandaba 'yung babae? Sexy ba? Girlfriend ba siya ni Roks. Hindi ako chismosa sadyang curious lang na dalaga.

"Salamat po." nakangiti kong saad sa janitress nang makarating kami sa garden ng hospital. Nilibot ko ang paningin ko at talagang nakaka-
-mangha ang nasa paligid. Madalas sinasabi nila ang mga likod ng hospital ay libingan ng mga patay sa hospital na hindi na kinukuha ng mga kamaganak pero 'tong parte ng AKG General Hospital ay sobrang ganda na parang nasa isa kang paraiso.

Malawak ang damuhan, may mga puno at madaming bulakbulak, kitang kita ko pa ang mga nagsisikulayang mga burterfly na dumadako sa mga bulaklak. Ang pinaka agaw pansin at kamangha mangha ay ang fountain.

Napapikit pa ako nang magtama saakin ang malakas na hangin. Sobrang ganda talaga as in, mas maganda pa 'to sa small garden dun sa kung saan may swimming pool na ginanapan ng birthday ni Rhyka.

Napatago ako agad sa isang malaling halaman nang mamataan ko agad sa dulo ng garden si Roks at 'yung babaeng mukha ngang maganda.
Naka wheel chair si Roks  habang nasa tabi niya ang isang maputing babae na hindi ko maaninag ang mukha dahil pareho silang nakatalikod saakin.

Sino kaya 'to?

Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa pagtitig sakanila bago ko marealize na hindi sapat sa kuryuso ng katawan ko ang pagtitig lang sakanila dito sa malayuan. Gusto kong marinig ang pinaguusapan nila at makita ang kabuuang mukha nung girlfriend 'kuno' ni Roks ang kaso hindi ko alam kung paano ako makakalapit sakanila ng 'di nila nalalaman.

Ako si Paint, ang kuryoso sa lahat ng bagay. At walang imposible kapag sobrang nagising na naman kuryoso sa katawan ko kaya makakagawa ako ng paraan kahit anong mangyari. Paint Cenery lang malakas, orayt.

Nilibot ko ang paningin ko para maghanap ng pwede kong gagamitin para makalapit sa pwesto nina Roks at makinig sa pinaguusapan nila ng babae niya.

Napansin ko na may iilang pasyente dito at halos na facemask sila lahat at bonet. Kaya nag isip muna ako saglit bago ko napagdeisyunan na bumalik muli sa loob ng hospital para bumili ng facemask sa mini pharmacy sa loob.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon