Chapter 10

15.7K 405 67
                                    

Paint Cenery

PARA akong nanay na may buhat buhat sangol habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Balot na balot ng hoody ni Roks ang katawan ni Roksie.
Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin, bawal naman sa Hospital kasi hindi naman pwede magpasok ng hayop doon t'yak haharangin ako ng guard at baka kunin na muna nila saakin si Roksie.

"DUDES!" nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa tumawag.  Pinanood ko kung paano bumama mula sa pagkasay ng Jeep si Roi at tumakbo palapit saakin. Sinalubong ako nito ng mahigpit na yakap kaya naipit ang unggoy ko kaya dumaing 'to.

"Ano ba?!" inis ko siyang tinulak ganit ang kanan kamay ko dahil gamit ko ang kaliwa kong kamay sa pagbuhat sa maliit ng unggoy.

Nagbago ang expresyon niya, lumungkot 'to at parang naging guilty
"Galit ka rin ba saakin? Sorry na. Nung isang araw ka pa namin hinahanap, nag aalala na mga kapatid mo pati si Gracielle." hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad habang hinihimas nag t'yan ng kawawang Roskie.

"Pintura kausapin mo naman ako, teka ano ba 'yang hawak mo? Bata?" natigil ako sa paglalakad at ipinasilip ko sakaniya ang hawak ko.

"Unggoy?!"

"Sige mo isigaw mo pa. Ano gusto mo ba bigyan pa kita mikropono para abot na hanggang Mindanao 'yang pagkagulat mo? Ang OA." napairap nalang ako sa mga taong tumingin sa gawi namin at inayos ko pa ang pagkahawak ko kay Roksie para hindi nila makita na may hawak nga akong unggoy.

"Saan mo galing 'yan, ang baho!" napatingin ako sa paligid ko na kapag nilalagpasan ako ay nagtatakip sila ng Ilong, aminado akong mabaho talaga ang unggoy pati na rin ako dahil siya nagswimming sa imbornal samantalang akong lifeguard niya todo rescue kaya lumusong din sa kanal.

"Sa kanal, 'diba halata?" napanguso siya pero salubong ang kilay niya habang nakatingin sa suot ko.

"Bakit gan'yan ang suot mo? Dress? Saan ka ba galing?" above the knee ang suot kong dress at sleeveless na kanina natatakpan ng hoody ni Roks  medyo hindi ako komportable at nahihiya rin ako ngayon pero mas iniisip ko ang kalagayan ni Roksie.

"Mamaya ka na magtanong ng magtanong kawawa 'yung unggoy ko. Nanginginig siya sa lamig tapos gutom din? Pwede ba siyang pakainin ng saging?"

'Di ko alam kung anong klaseng unggoy 'to basta unggoy siya kasi mukha siyang unggoy. Hindi ko mawari kung anong tunay na kulay niya kasi nababalutan siya ng itim itim na putik.

"This monkey is an unggoy which means unggoy eat balinghoy that own by budoy?" tumawa siya ng pagkalakas lakas kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil wala na namang kwenta ang sinasabi niya. At hindi nakakatawa ang joke niya, Tss.

"Anak ng shooting star ka, wala ako sa mood na makipag gaguhan sa'yo ha potakte ka."

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon