Chapter 39

9.8K 305 84
                                    

Paint Cenery

NAPABANGON ako sa kinahihigahan ko at agad akong kumaripas ng takbo papunta sa CR dahil sobra na ang pag ikot ng sikmura ko.

Napahawak ako sa tyan ko at napaupo pa sa sahig habang sumusuka sa kubeta. Patuloy ako sa pagsuka at halos maiyak na ako dahil pinipilit ko ng iluwa ang lahat ng mga kinain ko kagabi.

"Anak ng shooting star!"daing ko dahil sobrang nanlalambot ako at isa pang sobrang sakit ng ulo ko. "P-tangina kang alak ka!"

Napahiga nalang ako ng tuluyan sa sahig dahil sa panghihina. Demonyo talaga 'tong alak na 'to, ano ba kasing kayabangan ang sumapi sa katawan ko kagabi? Takte.

"Cenery!" agad akong napatingin sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Roks.

Nagaalala ang mukha niya at halos mapatakbo na siya rito sa loob. Agad niya akong inalalayan makaupo at isinandal niya ako sakaniya. "Labas ka muna, kadiri suka ko. Ang baho pa," mahinang sambit ko at pinunasan ang gilid ng bibig ko na may pinaghalong suka at panis na laway.

Umiling lang siya at niflush ang duming ginawa ko. Binuhat niya ako at inalalayan na maghilamos at pagkatapos ay tuluyan niya akong ipinahiga muli sa kama.

Natigilan ako nang mapansin na pinagpapawisan siya nang binuhat niya ako. Pumikit siya ng mariin na para bang pinipigilan niya ang tunay na expresyon niya.

"Teka---mabigat na ba ako? Pinagpawisan ka kahit aircon naman dito? Tapos parang nabibigatan 'yung expresyon mo, " nakanguso kong wika.

Umiling siya at ngumiti ng tipid. "Ofcourse not, galing ako sa labas. I bought some seafoods for lunch and dinner."

Tumango nalang ako. Pinanood ko lang ang mga galaw niya, nagpunta siya pabalik sa CR at hindi rin nag tagal ay lumabas siya nang may dalang maliit na palanggana at isang bimpo.

Umupo siya sa tabi ko at sinimulan na niya akong pinunasan ng puno nang pagiingat, simula sa mukha hanggang sa mga braso ko. "Ang sakit ng ulo ko," nakalabi kong usal.

Tumigil siya sa ginagawa niya at mapungay pungay niya akong sinulyapan. "I'll prepare your meds and breakfast after this."

Napapikit nalang ako nang mariin at hinayaan siya sa ginagawa niya. Napadilat nalang ako nang sinabi niyang, "Wait me here, I'll get some medicine and bring your breakfast here."

Tumango lang ako at pumikit muli saka minsahe ang sintido ko. Inalala ko ang mga nangyari kagabi na unti unti namang lumilitaw ang mga imasahe sa isipan ko.

Takte, mukhang nag concert ako kagabi paniguradong nairita na mga tao saakin. Tapos naalala ko naubos ko yata 'yung mga malaking bote ng lambanog.

Napadilat ako nang maalala kong bago ako nawalan ng ulirat ay may narinig akong pumutok no'ng pauwi na kami. 'Di ko alam kung ano 'yun, kung guni guni ko lang ba o ano basta ang alam ko may pumutok.

Baka si Roks alam niya? Kasi saaming dalawa siya lang naman matino no'ng gabing 'yun.

Hindi rin nagtagal ay bumukas ang pintuan at inuluwa nito si Roks na dala na ang maliit na lamesa na may pagkain at gamot.

"Roks, kagabi may narinig akong pumutok ano 'yun?" salubong na tanong ko.

Kumunot ang noo niya habang inilalapag sa harapan ko ang dala niya. "Pumutok? I don't know what are you talking about, love. Wala naman akong narinig? Anyway eat these first before you drink this meds. I prepared a tea too."

Napakagat ako saaking labi at inisip pa ulit ang nangyari pero talagang may narinig akong putok. Sobrang curious talaga ako sa kung ano 'yun baka naman kasi may spaceship ng alien na lumanding malapit saamin at biglang sumabog.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon