Chapter 42

8.1K 230 60
                                    


Paint Cenery

"ATE Paint gising na!" agad akong napabalikwas nang marinig ko ang sigaw na 'yun dahilan din kaya nahulog pa ako sa kama.

"Haish, ano ba, Ella?!" galit na sigaw ko habang pinupunasan ko ang mga mata ko.

Nang maidilat ko na nang ayos ang mga mata ko ay napansin kong aligaga siya. Bagong ligo at nakauniporme na.

Bumusangot siya, "Ate, kanina pa kita ginising! Alasyete na! 8:00 am pasok natin, 'di ba? Traffic niyan panigurado kaya magmadali ka na!"

Napakurap kurap ako at napahawak sa bibig ko. "Anak ng shooting star! Binuhusan mo sana ako ng tubig!"

Agad akong napatayo at nagmadaling kinuha ang tuwalya halos mapadapa pa nga ako sa sobrang taranta.

Lumabas ako ng kwarto para magtungo na sa CR namin. Isa lang naman kasi ang palikuran dito sa bahay 'di kagaya doon sa bahay ni Roks. Tatlo tatlo pa ata 'yun.

" 'Yan ang sinasabi ko sa'yo Pintura, nahilig ka na naman magpuyat. Alam mo namang ito ang unang araw mo sa klase nagpuyat ka pa. Ano bang ginagawa mo?"

Napatingin ako kay Tatay na nasa hapagkainan habang nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape.

"Goodmorning po, hehe."

"Kausap kasi si Kuya Roks, Tay," rinig kong sambit ni Ella bago ako tuluyang pumasok sa CR.

Bumuntong hininga ako at nagsimula ng alisin lahat ng damit ko bago tuluyang naligo.

First day of school ko ngayon at mukhang ma-late pa ako potakteng 'yan. Kasi naman kagabi mag a-alastres na ako nakatulog dahil halo halo kasi nararamdaman ko, excited na kinakabahan jusko buti nalang may jowa na ako na handang makipagpuyatan saakin.

Hinayaan lang kasi ako ni Roks na mag kwento nang magkwento at makinig sa mga sa rant ko. Kahit mukhang inaantok na siya hindi niya talaga pinatay ang telepono hanggang sa makatulog ako.

Swerte ko boyfriend ko. Kapag hindi ako nakakatulog ng gan'to ay lagi siyang nandito sa bahay para patulugin ako o 'di naman kaya magdamag kaming mag kausap sa phone.

'Di naman sa pabebe ako sadyang gusto lang niya akong i-spoiled. Gagawin niya lahat para saakin expect siguro sa pakantahin ko siya. Haha.

Routine na namin 'yan sa ilang buwan naming magjowa. Mag t-three months na kami ng gano'n gano'n lang. Super bilis ni hindi ko namalayan na medyo matagal na pala kaming magkasama na may label.

Sa mga nag daang buwan wala naman masyadong nangyari na masama or ano. Huli na 'yung insidenteng ayoko ng maalala pa.

Haish, basta sobrang naenjoy ko 'yun mga nagdaan buwan dahil nagbakasyon kami para makapag relax relax. Ang maganda pa ay kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.

Kailangan ko rin kasi 'yun para sa pagbuti ng kalagayan ko. At oo kasama ang pamilya ko. Si Tatay, kasi nakalabas na siya nun ng hospital at maayos na ang kalagayan niya saka kasama rin namin ang mga kapatid ni Roi, siya mismo at si Cielle. Sagot lahat ni Captain 'yung gastos sa outing namin na 'yon.

Hiyang hiya nga ako pero sabi niya wala daw dapat akong ikahiya dahil siya naman mismo ang nagsabi at nagplano ng mga 'yun saka isa para naman daw sa kasiyahan ng mahal niya 'yun. At syempre sino ba 'yung tinutukoy niya? Ako malamang.

Medyo malungkot lang sa part na kapag naalala kong mas malala ang sinapit ni Mamsh, Sam at Danice parang bumabalik lahat ng galit ko at gusto kong humawak muli ng patalim.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon