Chapter 1

39.2K 636 128
                                    

Paint Cenery

"HOY Pintura takbo may pulis!" gulat kong tinanggal ang suot kong shades at agad na napatayo ako sa kinauupan kong monoblock.

"Ay anak naman ng tipaklong oh kapag minamalas ka." iritado kong saad at nakisama sa mga tumatakbong kakilala ko habang buhat buhat 'tong mahiwagang monoblock ko.

Narinig ko ang pito ng pulis kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. P-nyeta naman, kung kailan wala pa akong kita sa paglilimos, ngayon pa dumating ang mga impaktong pulis na 'to.

Mga salot talaga sa buhay ko.

"Hoy umalis kayo sa dinadaanan ko! Mga hayop" galit na sigaw ko at pinaghahampas ang mga bata at kasing edad kong nakikipag unahan saakin sa pagtakbo.

Nagpapangap kasi akong bulag ngayon para mas marami akong kitain sa pamamalimos dito sa isang park malapit sa simbahan. Ito muna ang raket ko sa araw na 'to dahil kumakalam na ang sikmura ng lima kong kapatid at may sakit kong tatay.

Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa sumuot suot ako sa bawat street at
mabilis akong lumusot sa isang eskinita at bigla bigla nalang akong pumasok sa isang bahay at agad na sinarado

"Oh Paint, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ate Antonnete na isa sa mga kabaranggay namin na nagaaral sa kolehiyo. 3rd year college na siya. Sana all hindi ba?

Ako kasi hindi tumuntong sa kolehiyo kahit minsan. 4 years ago, 19 years old ako nang mag Senior high graduated ako. Art and design ang track na kinuha ko noon dahil doon ako magaling. Mahal na mahal ko ang lahat ng klase ng artes sa totoo lang. Mapa painting, movie, photography at iba pa.

Pangarap kong maging professional na painter, photographer at director. Oo gusto kong maging director lalo na ng mga documentaries at movie. Gusto kong gumawa ng isang dokumentaryo na nagmumulat sa isipan ng mga manonood tungkol sa bawat problema na ikinahaharap ng tao, estado ng mga katulad ko na mas mahirap pa sa daga at iba pa. 'Yung mga parang, I-witness, frontrow at kung ano ano pa na madalas ng subject nila o topic ang mga katulad naming mahihirap na walang makain, may sakit, gumagawa ng mga ilegal na bagay para lang makaraos sa araw araw at iba. Sa papamagitan din kasi nito umaambon ang biyaya lalo na kapag ipinalalabas ka na sa TV. Kaya pinangarap ko 'yun para kahit wala akong pera ay makatulong sa kapwa ko mahirap.

Gusto ko rin gumawa ng movie hindi pure love story, hindi cliche at cringe 'yung tipong nakakaumay nang content dahil ang laging conflict ay masyadong mababaw katulad ng may nagkamesia, may third party, ayaw ng magulang ng lalaki sa girl kasi mahirap lang, at kung ano ano pang mga content na paulit ulit lang.

Mas gusto ko pa ang mga movie noong unang panahon, 'yung kahit love story may action at ipinakikita 'yung reality, kung gaano kabaho ang sistema ng gobyerno, ang mga opisyales ng Gobyerno katulad ng Mayor, Gobernador, Congressman at iba pa na drug lord pala, mamatay tao, kurakot at iba iba pang kasamaan na ginagawa nila.

BSFA in Digital Cinema sana ang kukunin ko sa kolehiyo ang kaso sa sobrang hirap ng buhay at sa edad kong 23 ay pasan pasan ko ang reposibilidad ko para sa pamilya ko.

Hingal na hingal ako habang nakatingin sakaniya. "Hinahabol ako ng pulis Ate." bumusangot siya saakin at inilingan ilingan ako saka inabutan ng baso ng malamig na tubig.

"Ay ewan ko ba sa'yo Paint. Ang ganda ganda mo! Ang talented mo pa pero bakit hindi mo gamitin 'yan sa tama.."napapikit ako ng mariin habang tinutungga ang malamig na tubig. Nang matapos ay saka ako umupo sa monoblock kong silya at inabot sakaniya ang baso na pinaginuman ko.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon