Chapter 33

10.1K 336 163
                                    

Paint Cenery

MAHIGIT isang linggo na akong namamalagi sa hospital na'to na talagang ikinaiinis ko. Gustong gusto ko na kasi umuwi dahil sobrang nabuburyo na ako, anak ng shooting star mas lalo ko lang nararamdaman ang panghihina.

Lalo pa't marami akong iniisip na problema ngayon. Halo halo na kaya parang pakiramdam ko lumalala lang ang kalagayan ko kahit pa na humihilom naman ng kaunti ang mga sugat ko.

Hindi ko alam kailan ako makakauwi, ang sabi kasi ng doctor ko maaring mag s-stay ako rito sa loob ng dalawang linggo depende pa kung lumala ba ng mga kalagayan ko o hindi.

"Anak, kumain ka na.." napalingon ako kay Tatay na nasa tabi ko habang hawak hawak ang tray ng pagkain.

"Busog pa po ako, Tay." walang ganang sagot ko saka bumalik nalang sa pagkatulala.

Ewan ko, nawawalan ako ng gana sa lahat. Nanghihina ako, hindi ko maintindihan kung anong nangyayari saakin. "Miss na miss ka na ng mga kapatid mo, at itong si Gracielle kinukulit ako na pakiusapan na tumanggap ka na ng bisita." napapikit nalang ako ng mariin at minasahe ang sintido ko.

Simula noong araw na nagkasugatan kami ni Roks ay talaga naman 'di lang ako ang apektado kung hindi pati ang mga taong malapit saakin, ginusto ko nalang kasi laging mapagisa. Ni hindi ako tumatanggap ng bisita kahit pa ang mga kaibigan ko samantalang ang mga kapatid ko kung bibisitahin ako ay hindi ko naman sila kinikibo.

Masyado akong wala sa sarili, tulala lang ako kaya parang wala rin ako sa tabi nila. 'Yung tipong buhay ako pero kung umakto parang patay na.

'Di ko alam kung anong nangyayari saakin pakiramdam ko nga sobrang OA ko kasi masyado kong pinoproblema ang lahat.

Sobrang dami ko talagang iniisip,
bukod sa problema ko kay Roi at Roks ay dumagdag pa 'yung baklang umaaligid dito. Ilang beses ko na naman siyang nakikitang kausap si Nanay at Tatay, 'di ko naman sana papansinin kasi natural lang naman na may kausapin silang tao ang kaso lang katapos nilang makakausap ang baklang 'yun ay umiiyak si Nanay at tulala naman si Tatay.

Parang may kung anong meron talaga sa baklang 'yun na hindi ko alam. Si Nanay, ang tapang tapang no'n ni hindi ko pa talaga nakitang umiyak 'yun simula ng bata ako pero itong baklang patpatin nagawang paiyakin si Nanay? Talaga namang nakakapagtaka.

Tinanong ko sa kanila kung anong meron pero pilit lang nila sinasabi 'yung tungkol sa utang namin na limang daang libo na kung saan maaring makulong si Nanay kailangan nitong saluhin lahat lalo pa't si Tatay ay may sakit.

Tumutugma naman kasi talaga kung hindi ako nag i-isip isip ng kung ano ano. Maari kasing takot lang si Nanay makulong ang kaso nga lang parang 'di ako kumbinsado na 'yun ang dahilan 'di ko alam pero parang may iba pa.

Kuryuso ako sa kung ano 'yun pero kailangan ko munang isantabi 'yun dahil kung totoo nga ang sinabi ni Tatay tungkol sa pag papakulong ay kailangan ko ng problemahin 'yun, may pera akong natatabi pero 'di 'to aabot sa kalahating milyon. 'Di ko naman alam kung saan kukuha ng gano'n kalaki lalo na ngayon wala akong trabaho at halos baldado na, gusto kong mangutang pero sino uutangan ko? Sino lalapitan ko? Hindi namang pwedeng si Roks. Ayoko ng humingi pa ng tulong sakaniya, ang kapal naman ng mukha ko 'di ba? Pagkatapos ko siyang pagsalitain ng masama magpapaka bait ulit ako para makautang.

Literal ng gold digger ang dating ko.

At isa pa, hindi na rin naman siya nagparamdam saakin. Pagkatapos naming magusap noon nginitian niya lang ako at sinabing magpahinga na raw ako. Halata namang nasaktan ko siya pero umaakto lang siya na parang walang nangyari at ang malupet pa rito talagang inasikaso niya pa ako kaya ito ako ngayon nakokonsensya at inaaway ang sarili ko kung tama ba ang desisyon ko.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon