Chapter 37

9.6K 359 210
                                    

Paint Cenery

AGAD kong sinarado ang pintuan at buong lakas na inurong saka hinarang  ang lamesang pinaglalagyan ng mga base para mahirapan siya buksan ang pintuan lalo pa't alam niya ang passcode ng pinto kaya agad siyang makakapasok, maganda ng may pang sagabal na muna ako.

Hingal na hingal akong nagtungo sa balcony para silipin si Roks mula sa baba. Agad akong napakagat sa labi ko nang makitang nakatayo pa rin siya sa pwesto namin kanina habang tulala sa kawalan.

Ang akala ko susundan niya ako nang mag walk ako pagkatapos kong umamin sakaniya ang kaso mali ako dahil ito siya, tulala lang at parang nanigas na roon. Anong nangyari sakaniya? Iod siya ghorl?

Napailing iling nalang ako at tinampal ang sariling pisnge dahil sa kahihiyan na gawa ko. Sa mga oras na'to gustong gusto ko nalang na mag pakain sa lupa.

Pagkatapos ko kasi sabihin ang mga katagang hindi ko inaasahan na lalabas sa bibig ko ay agad akong napatakbo pabalik rito sa beach house niya.

Aba takte, hiyang hiya ako. Gan'to pala feeling ng magconfess sa taong bet na bet mo. Kala ko madali lang pero ito ako ngayon anak ng shooting star hindi ko na alam kung anong mukha ang ihaharap ko sakaniya.

Nakatingin lang ako sakaniya at mukhang hindi niya pa napapansin na may nakamasid sakaniya hanggang sa 'di ko namalayan na mahigit limang minuto ko ng tinitigan si Roks.

Napaiwas nalang ako ng tingin nang mapansin kong napasulyap na rin si Roks saakin. Kahit malayo ay kitang kita ko parin ang gulat at pagtataka sa mga mukha niya.

Unti unti nabalik siyang nabalik reyalidad dahil bigla siyang tumakbo papasok ng beach house kaya naman agad kong nilock ang sliding door dito sa balcony at pumasok muli sa loob ng kwarto.

Sobra akong natataranta dahil alam kong mabubuksan niya ang pintuan kahit anong oras. Bukod sa alam niya ang passcode ng pintuan ay hindi naman siya gano'n kahina para 'di matulak ang mga hinarang ko.

Napakagat ako sa mga kuko ko dahil sa sobrang kaba. Hindi pa ako handa na magkaharap muli kami. Ebarg 'yung hiya na nararamdaman ko. Sobrang nagiinit ang pisnge ko pakiramdam ko nga sasabog, e.

Napabuga ako ng hangin at napagdesisyunan nalang na magtatago sana sa CR at halos sumabog ang puso ko nang marinig ko na ang marahang pagkatok niya. "Cenery."

"H'wag mong bubuksan!" natataranta kong sigaw nang marinig ko ang pag tipa niya sa pindutan ng passcode.

Mukhang hindi niya inaasahan ang pagsigaw ko kasi bigla siyanh natahimik siya ng saglit. Napakagat ako saaking labi nang mapagtanto na masyasong OA ang pagsigaw ko.

Huminga ako ng malalim para makakalma ako ng ayos ang kaso siya naman 'to nagsimula muli sa pagsasalita at pagkakatok. "Cenery I'm s----."

"H'wag ka mag sorry! Kung ano man narinig mo saaakin ngayon pwes hindi pa ako handa pagusapan ulit!" ito na naman walang preno ang bunganga ko. Badtrip na ako sa sarili ko dahil masyado akong OA at apektado ngayon kaya kung ano ano nalang nasasabi ko na hindi ko pinagiisipan.

Pero anong gagawin kong paraan para maiwasan siya kahit ngayong gabi lang?

Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis at nagtungo nalang muli sa kama para umupo do'n. Kailangan kong kumalma, hindi maganda ang epekto nitong tensyon na nararamdaman ko baka bigla ako magalit ng walang dahilan kay Roks.

"I understand but you're not lying right? You meant to say those word, right? Hindi naman ako nanaginip 'diba? I need an answer, love." tiyak ako na ang expresyon niya kahit 'di ko nakikita ay malambot panigurado ngang kapag nandito pa siya sa loob baka lumuhod na naman sa harapan ko.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon