Chapter 30

9.7K 288 116
                                    

Paint Cenery

HINGAL na hingal akong napabangon mula sa kama dahil sobrang binabangungot ako. Potakteng panaginip 'yun papatayin pa ata ako.

Napahawak ako saaking ulo at pinikit ang mga mata na sobrang bigat dahil gusto ko pang bumalik sa pagkatulog pero nag a-alangan na ako dahil sa panaginip kong 'yun.

Awitize, nanaginip ba naman akong nalulunod at may mga kung anong mga patalim pang tumarak saakin habang inaanod ako ng tubig.

Sobrang nanghihina ako sa panaginip na 'yun, ewan ko pero parang totoo ang panaginip kong 'yun dahil nararamdaman ko ang sakit sa kabuuan ko, ebarg sa totoo nga lang parang hanggang ngayon nararamdaman ko siya. Ang weirdo lang kasi, amp.

Dinilat ko muli ang mga mata ko para tignan sana ang parteng masakit saakin ang kaso ay napatingin ako sa malaking television na nasa harap ko.

Napakunot ang noo ko dahil parang pamilyar ang amoy at ang paligid.

Nasa hospital ako? Bakit wala akong naalala na pumunta ako rito? Teka nga lang, gets ko na! Syet na malupet naman mukhang binabantayan ko si Tatay kaso tinulugan ko. Yari na naman ako kay Nanay nito.

Lilibutin ko na sana ang paningin ko para tignan ang kalagayan ni Tatay ang kaso napatigil ako dahil may napansin akong mali at kakaiba. Sa totoo lang mas lalong sumakit ang katawan ko, nahihilo ako at higit sa lahat ay may kung anong nakahawak sa kamay ko.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari kaya bago pa ako masiraan ng bait ay agad kong tinignan 'yun, una kong napansin na may dextrose na nakasaksak sa kamay ko na pinagtakhan ko hanggang sa bumaba ang mga mata ko kay Roks na nakatungo at mukhang natutulog habang nakaupo pa sa tabi ko at hawak hawak ang kamay ko.

Pakiramdam ko tumigil ang pagtibok ng puso ko ng ilang segundo pati na rin ang pag function ng utak ko lalo pa nang kinutuban na ako sa kung ano talaga ang tunay na nangyari saakin.

Dahan dahan kong inalis ang pagkahawak ni Captain Bato sa aking kamay saka sinimulan sipatin ang kabuuan ko.

Kinapa ko ang parte ng katawan ko na masakit hanggang sa aking nakumpirma na hindi panaginip ang nangyari saakin lalo pa't bumalik sa ang alala ko kung paano ako tangayin ng tubig at hangin dahil sa lakas ng bagyo.

Gusto kong tumayo para magpunta ng CR at tignan ang kabuuan ko pero hindi ko magawa, natulala ako at bigla nalang nagsimulang magsituluan ang luha ko habang paulit paulit na lumilitaw sa isipan ko ang nangyari saakin.

Ang akala ko mamatay na ako. Ramdam ko na sukong suko na ang katawan ko kaya paano ako nabuhay? Sa dinami daming tao na mababait na nasa bingit na kamatayan bakit ako pa?

Napatingin ako agad sa isang krus na nakadikit sa dingding. Hindi ko akalain na sa bingit ng kamatayan ko ang Diyos pa ang tinatawag ko. Ni wala nga akong mabuting nagawa sa mundo at ni hindi ko siya kinikilala at sinasamba pero bakit niya pa ako hinayaan na mabuhay? Totoo ba talaga siya kung oo dapat nga ay magalit ito dahil 'di ako naniniwala sakaniya pero bakit parang pinapaboran niya pa ako? Siya ba talaga ang dahilan bakit humihinga pa rin ako? Kung siya nga, ito na ba ang senyales para magbalik loob ako sakaniya?

Napatigil ako nang biglang may pumasok sa isipan kong pigura ng lalaking malabo ang mukha at narinig ko sa isipan ko ang na rin ang mga sinambit niya.

"Mi amor.." pabulong kong bigkas.

Hindi ako sigurado kung nanaginip lang ako no'n. Hindi ko maalala kung totoo bang nangyari 'yun, gulong gulo ako lalo na nang umamin 'to ng nararamdaman niya. Tandang tanda ko ang mga binigkas niya, ang 'di ko lang mapagtanto ay kung sino siya. Pamilyar ang boses nito pero 'di ko talaga masabi kung sino ang lalaking 'yun.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon