Chapter 11

13.8K 371 38
                                    


Paint Cenery

BAGO pa kami makita ni Coco sa ganong posisyon ay naitulak ko na siya kaagad at tumawa ako ng pilit kahit pa nagwawala na ang bacteria sa kabuuan ng katawan ko dahil sa huli n'yang sinambit.

Gets na gets ko ang gusto niyang ipahiwatig kahit pa na Ingles 'to, kasi naman ang bagal at pabulong siya na nagsalita saakin tapos may kasamang feelings pa kaya eto nagpapanggap ako na walang epekto ang sinabi niya.

"Ano bang pinagsasabi mo, prankster ka na rin? Sorry hindi mo 'ko ma p-prank. Ako ata ang greatest pranskter dito." pinilit kong tumawa para maalis 'yung namumuong awkward sa pagitan namin.

Napatingin ako sa pintuan naming sarado, mabuti nalang at nasarado 'to ng huling lumabas kanina kung hindi, makikita ng chismosang kapitbahay kung gaano kalapit 'tong si Captain Bato kanina.

Pero kung sabagay mas lala ang chismis kasi ngayon sarado na nag pintura baka isipin nila may ginagawa kaming kababalaghan dito. Teka nga potakte Pintura bakit mo naiisip 'yan! Bawal bang isipin muna nila  kung anong pinaguusapan, hindi chukanan 'yung naiisip mo. Shootingstart na anak ang berde ng isip mo self!

"Why would I pull any pranks on you? When I chose to come out those words of my mouth, I'm serious 'bout that," napalunok ako nang magtama ang mata namin dahil 'yang kulay abo niyang mata ay nanghihigop.

Pakiramdam ko bumaluktot ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita at parang biglang nasemento ang buong katawan ko dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko.

"I hate liars and how Ironic if I'm going to lie about my feelings about wanting your lips so bad.'' tumaas ang gilid ng labi niya habang bumaba ang tingin niyang nakakalusaw sa aking labi.

Hindi ko na kaya, kailangan ko ng gumawa ng aksyon para masagip ang sarili ko sa matinding pagkalunod sa presensya niya.

"English, hehe 'di ko maintindihan. Bakit ba para kang kabute? Bigla bigla ka nalang sumusulpot." pangiiba ko sa usapan at
nagkunwaring 'di ko gets.

Sa totoo lang kabute talaga 'tong Roks na 'to, bigla bigla nalang talaga susulpot nabg hindi mo inaasahan. Katulad nalang ngayon, jusmisyo goku.

"Remember, I told you, I'm not yet done with you and starting tommorow you'll be my Kiss slave."  naalala kong sinabi niya saakin 'yun kahapon pero hindi ko naman inaasahan na totoo 'yun.

Ibang klase talaga 'tong Bato na 'to sarap ibato sa kabilang mundo.

"Alam mo, 'di ko maintindihan. Ang aga aga ineenglish mo 'ko! You do note liar is mah peyk! Kabadtrip ka. Coco labas ka na d'yan nandito si Captain!" sambit ko para lumabas na ang kapatid ko para iligtas n'ya ako sa eksenang 'to.

"May paninidigan akong lalaki, Cenery. Kapag sinambit ko gagawa't gagawa ako ng paraan para maging posible ang nais ko." napakagat ako saaking labi dahil ang 'hot' magtagalog niti. 'Yung tipong nababasa ko sa pocket book na kapag nagsalita mapaos paos, makalaglag garter ng panty.

"Uy bet ko 'yan ha, ang lalim ng tagalog! Hahaha," tumawa ako ng pagkalakas lakas kaya bumuntong hininga siya at pinagalaw ang panga niya.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon