Chapter 58

10.2K 270 105
                                    

Paint Cenery

NAKATITIG lang ako sa kawalan dahil super bilis nang pangyayari hanggang sa makauwi na kami sa isang hacienda ni Bite dito sa Manila ay wala pa rin akong imik.

Wala ako sa tamang wisyo. Gulong-gulo ang utak ko. Lalo na sa nangyari sa kapatid ko at kay Galvez.

Kanina, nakita nang dalawang mata ko sina Ella, Hanz at si Tatay. Pati na rin sina Cielle and Roi nando'n. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit. Gusto kong lumabas ng van at yakapin sila saka magpakilala na ako ang tunay na Paint.

I deeply sighed. Napatingin ako sa mga kasamahan ko na nagawa pang mag swimming sa pool after nang nangyari.

Ako nandito sa terrace, hindi ko sila magawang harapin. Ewan ko, pakiramdam ko kailangan kong iexplain sakanila ang lahat. Sobra akong nag-guilty sa nangyari dahil parang lumalabas din na kasalanan ko ang lahat.

I know they are confuse, lalo na nang makita nila 'yung fake na Paint. But they didn't ask anything about what happened yesterday at kung bakit magkamukha kami nung fake Paint.

Bukod sa paniguradong sinabihan na sila ni Bite ay maari rin na patago silang kumakalap ng impormasyon tungkol saakin.

Napatingin ako kay Bite na pumasok ng kuwarto. Tumabi siya saakin at amoy na amoy ko ang usok ng tobacco niya.

"Oh god ang tapang.." pinaghahampas ko ang usok na tumatama sa mukha ko. I smoke but not this tobbaco. Super tapang nakakadiri.

Tumingin lang siya saakin at hindi nagsalita.
"Ano? Papausukan mo lang ako? 'Di mo pa ako sesermunan?" iritado kong sambit.

Hindi pa rin siya nagsalita at inikutan pa ako ng mata saka siya sumulyap sa bilog na buwan.

"Kaya ayokong bumalik sa pinas, e. Look what happened.." frustrated kong sambit.

Hindi siya tumugon.

"Bite, I'm f-cked up," nanginginig kong sambit.

Unti-unting tumulo ang luha ko. This is the first time that I failed with my mission at nagkanda gulo-gulo pa dahil umeksena na naman ang mga past ko.

Tumaas ang gilid ng kaniyang labi. "What? You're crying. Mag papaapekto ka sa nangyari?"

Suminghot-sinhot ako at tuluyan ng humagulgol. Bumuntong hininga siya at niyakap ako.

"What should I do?"

Simula nang umalis ako sa dating buhay ko I only have Bite. He's my 911 and only shoulder whenever I want to cry or nag b-breakdown ako.

Sobrang thankful ako na I have Bite in my life. I don't know but I feel safe whenever I'm with him. He's very protective and sometimes he's really harsh but his soft side for me is making me melt. He's like my Kuya. A very protective one.

"Galvez died it means you're done in your mission. Let's just wait for their order.."

Ang mga boss ng CIA. Ang mga nasa taas na may katungkulan. Kaming agent, hindi namin sila kilala at nakikita. At hindi namin sila gusto kitain dahil kapag nagkita namin sila ang ibig sabihin lang no'n ay "torture"

Mameet lang namin ang mga nasa itaas kapag nag fail ang mission namin o kung may ginawa kaming kalokohan. They will punish us para magtanda, and in that hindi kami gagawa pa ng katarantaduhan at mag pupursige kami na hindi mag fail ang mission namin.

And still bakit may tumatangkilik ng ganitong trabaho? 'Yan ay dahil mahal talaga ang sweldo ng mga 'to. Umaabot ng kalahating milyon hanggang sa tatlong milyon ang sinasahod ng mga empleyado ng CIA.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon