Chapter 47

9.9K 299 159
                                    

Paint Cenery

SA TATLONG araw na pamamalagi namin dito sa Boracay ay ngayon nalang ulit ako nakalabas ng suite. Kung kailan huling araw nalang namin dito ngayon lang makakagala ng sobra.

'Di ko mapagkakaila na nasobrahan talaga kami sa ginawa namin.  First time namin kaya wala kaming control at parehong wala kaming alam sa kahihinatnan.

Anak ng shooting star! 3 days akong 'di makalakad ng ayos at sobra talaga mabigat ang pakiramdam ko. Mabuti nalang hindi ako kinkwestiyon nina Atarah kung ano bang nangyari saakin. Ang akala ko aasarin nila ako, e.

"Did you put a sunblock already?" tanong ni Roks na kalalabas ng kwarto dahil kakatapos lang niya ayusin ang mga damit namin.

Ako na dapat mag a-ayos ng mga gamit namin kaso gusto niya siya nalang. Ayaw niya ako mapagod nagtalo pa nga kami at sa huli nag hati nalang kami sa gagawin.

Sobrang asikaso niya saakin ni hindi na rin siya masyado lumalabas ng suite lalo na kung wala naman akong nirerequest na bibilhin niya.

Pareho kaming 'di nakasama kina Atarah na gumala dito sa Boracay. Nakulong kami dito sa suite pero kahit p-paano naman mas ok na rin 'yun dahil nakapag pahinga naman kami.

Straight 3 days lambingan lang ginagawa namin kaya kahit p-paano nakabawi siya saakin.

"Hala, oo nga pala! Nakalimutan ko, wala ako. Teka hihiramin ko nalang 'yung kay Atarah."

Lumabas ako ng suite at humakbang lang ako ng 15 steps bago ko narating ang suite nila. Kumatok ako at pinindot ang button pero walang sumasagot kaya naman pumasok nalang ako.

Kapag kasi wala ang room card pwedeng itype nalang ang code para bumukas ang pintuan. Sakto sinabi naman na saakin ni Atarah ang code. Sinabi niya 'yun para agad ako makapasok lalo na kapag may masama akong nararamdaman, for emergency purposes.

Pagpasok ko ay iniilibot ko ang mga mata ko para hanapin sila dito sa living area at kitchen pero walang tao kaya naman naglakad ako papunta sa room nila.

Kakatok sana ako nang marinig ko ang boses ni Rare na parang may kausap sa loob.

"Confirmed. The drugs that they found are ecstasy, crystal methamphetamine and GHB (G, Gina, GBL, 1-4BD). "

Ewan ko pero alam kong masama ang gagawin kong pakikinig sa usapan ng kausap niya pero 'di ko mapigilan ang sarili ko na makinig.

Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan para mas marinig pa ng maigi.

"How come nakalusot ang drugs na 'yun nang 'di natin alam? Oh my god, napakadelikado! Swerte nalang tayo nalang na hindi sila na overdose lalo na't halo-halo ang gamot." Si Atarah ang kausap ni Rare.

Overdose? Napakamot nalang ako dahil nacurious talaga ako ng bongga sa pinaguusapan nila lalo na may involve na drugs. Sino kayang naoverdose mga pasyente nila? Lagot sila..

"I don't know too, baby. Calm down.."

"Paano ako kakalma kung may muntikan ng mamatay?! We just want to enjoy our trip tapos gano'n pa ang mangyayari."

Mamatay? Luh, anyare? Nanlaki ang mga mata ko. Ano ba tinutukoy nila? Sino kaya? Siguro may problema sa hospital nila? Kasi involve ang drugs and death sa usapan at mukhang stress sila ngayon.

"World is a scary place. There are many types of monsters in this world who just wear a mask. We can't predict what will happen next, baby."

Napanga-nga nalang ako napunta sa monster ang usapan? Ano ba meron? Sinasalakay na talaga tayo ng monster? Huh? 'Di ko gets ang labo ng usapan nila kala mo nasa movie lang, e.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon